ALAM n’yo bang suma-side line pala sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang isang magandang attendant mula sa isang club sa Quezon Ave., Quezon City?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Sen. Ramon Magsaysay Jr., Bro. Pacifico “Boy†Aniag, President ng Wesleyan University sa Cabanatuan City, dating NBI Director Magtanggol Gatdula, Atty. Fidel Calvan ng BIR, Rey Sibayan ng DZRH, Rene Jose ng DWIZ, Nino “Bonito†Padilla at Vice-Mayor Sonny Rubin ng Angono, Rizal.
Alam n’yo bang nagpapadeliber pala ng chiching sa kanyang kulungan sa NBP ang lider ng Sigue-Sigue Sputnik Gang at convicted drug dealer na si Ricardo Camata?
Ayon sa aking bubwit, bukod sa starlet na si Krista Miller na favorite umano ni Camata, meron pa siyang gustong chiching mula naman sa Kremlin Club sa Quezon City.
Ang magandang attendant na Kartada Otso ay ipina-dedeliber pala ni Camata sa kanyang selda sa Munti. Sabi ng aking bubwit, ang talent fee ng chiching ay P35,000.
Ang ganitong sideline ng Kremlin attendant ay nalaman ng management kaya sinuspinde ito. Bawal pala ang magpatake-out sa mga attendant ng Kremlin.
Ayon pa sa aking bubwit, magaling umano sa kama ang attendant kaya gustong-gusto ni Camata. Ang attenÂdant ay kilala sa pangalang Alecks at ang numero niya ay 6.