ALAM n’yo bang humingi ng tulong ang isang sikat na TV personality kay Presidential sister Kris Aquino?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bro. Dr. Fidel Caballero, Quirino Gov. Junie Cua, Atty. Ana Peralta, Dr. Oliver Papag, Atty. Julita Calderon ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Col. Joey Yuchengco ng BOC at Ramon Jacinto ng DZRJ-FM.
Alam n’yo bang sa tindi ng problema ngayon ng sikat na actress-TV host ay napilitan na siyang lumapit sa kapatid ni President Noynoy Aquino?
Ayon sa aking bubwit, tulad sa problema ni idol Cong. Manny Pacquiao, bilyones pala ang problema ng nasabing actress sa kanyang tax. Hindi pala niya mapakiusapan ang mga taga-Bureau of Internal Revenue kaya inilapit na ito kay Kris.
Bilang kaibigan at kapamilya, hindi makatanggi si Kris kaya inilapit sa kanyang kuya ang problema ni Actress.
Ayon pa sa aking bubwit, dahil hindi matanggihan ni P-Noy ang bunsong kapatid, idinulog niya kay BIR Commissioner Kim Henares ang tax problem ni Actress.
Pero hindi pala nagpapa-pressure si Commissioner Henares. Ang sabi raw nito kay P-Noy ay ‘titingnan po natin Mr. President’.
Siguro kung ibang opisyal ng gobyerno ang kinausap ni P-Noy, katakut-takot na “Yes Sir†na ang sagot niyan.
Ang sikat na actress-TV host na humingi ng tulong kay Kris tungkol sa kanyang tax case ay si Actress A.C. ng Kapamilya network.