ANG lider sa South Korea ay kahanga-hanga sapagkat mayroon siyang ‘delikadesa’. Nakaiinggit ang mga mamamayan doon. Dito sa Pilipinas, wala nang ‘delikadesa’ ang mga nakaupong opisyal na inaakusahang sangkot sa pork barrel scam. At kapag wala nang ‘delikadesa’ ang mga opisyal, ano pang aasahan sa kinabukasan. Walang patutunguhan ang bansa na ang mga nakaupong opisyal ay may batik ng katiwalian.
Si South Korean Prime Minister Chung Hong-won ay nagbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan dahil sa paglubog ng ferry na ikinamatay ng 300 katao na karamihan ay mga estudyante. Inako ni Chung Hong-won ang lahat nang responsibilidad.
Dito sa Pilipinas, pakapalan nang mukha ang mga inaakusahang opisyal na sangkot sa pork barrel scam na minaniobra ni Janet Lim-Napoles. Kahit nakabandera na ang mga mukha sa pahayagan at laging paksa sa mga programa sa radyo at telebisÂyon, wala pa ring epekto. Lalo pang kumapal ang mga mukha at wala sa bokabularyo ang ‘delikadesa’.
Inilabas na ang final na listahan ni Napoles noÂong Lunes at marami pang senador, congressmen at Cabinet officials ang sinasangkot. May mga senador na kasama sa listahan ang wala na sa puwesto at mayroon namang nakaupo sa kasalukuyan. Ang matindi, may mga Cabinet officials na kasama sa listahan. Kabilang sa mga inaakusahan na nakinabang sa pork barrel scam si Budget Secretary Butch Abad, Agriculture Sec. Proceso Alcala, TESDA Director Gen. Joel Villanueva at Energy Regulatory Board Chairman Zenaida Ducut.
Ang pagkakasangkot ng mga nabanggit na opisyal ay taliwas naman sa laging nang sinasabi ni President Noynoy Aquino na ang kanyang administrasyon ay tinatahak ang “tuwid na daan’’. Paano tatahakin ang “tuwid na daan†kung mayroong mga kasama sa Gabinete na nagpapabigat sa pamumuno? Hindi kailanman makakamtan ang tamang daan kung may mga gumagawa nang kabuktutan.
Kung mayroon pang natitirang ‘delikadesa’ ang mga taong inaakusahan na nagkamal ng pera mula sa pork barrel fund, kailangan silang magbitiw at nang maiiwas ang Presidente sa kahihiyan at tinatahak na “maling daanâ€.