NAGTATAYO na ang China ng isang $5 bilyong artificial island na magsisilbing aircraft carrier sa West Philippine Sea. Sa ganitong pamumustura ng China, malinaw na naghahamon na ito ng giyera.
Wala tayong magagawa kundi magbuntunghininga. Habang yung ibang bansang apektado ay nagsisipagtayo na rin ng kani-kanilang pasilidad sa pinagtatalunang luÂgar, tayo ay tameme lang.
Sabi ni Presidente Noynoy, hindi gagaya ang Pilipinas sa ginagawa ng ibang maliliit na claimant countries. Sa isang banda, may katuwiran ang Pangulo dahil mayroong umiiral na kasunduan ang mga bansa tungkol dito: Ito ang Declaration of Conduct on South China Sea.
Anang Pangulo sa isang panayam sa Puerto PrinÂceÂsa City, kapag ginawa ito ng Pilipinas ay lalabag tayo sa natu-rang deklarasyon. “Kapag nagtayo tayo ng facilities doon to inhabit a previously uninhabitable pati tayo ay guilty of violating the agreement that we all agreed to†anang Pangulo.
Anang Pangulo, kaisa ang ating bansa sa panawagan sa nakaraang ASEAN Summit sa Myanmar laban sa pagtaas ng tension sa South China Sea. Sabi nga mismo ng Vietnam, umaabot na sa mahigit 100 barko ng China ang nagbabantay sa kanilang oil rig sa islang inaagaw ng China.
Nakakaalarma. Ito’y apoy na hindi dapat gatungan kunÂdi sawatain sa paraang mapayapa. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng negosasyon.
Dapat umalinsunod sa itinatadhana ng batas pandaigdig dahil ang isang maling hakbang ay magiging daan sa pagsiklab ng bagong digmaan tulad ng World War III. Huwag naman sana.
Isa lang ang dahilan kung bakit pinag-iinteresan ang South China Sea o West Philippine Sea. Mayaman ito sa natural gas at langis. Ilang ulit nang nagtangka ang mga bansa na magkaroon ng joint exploration para mapakinabangan ito ng lahat ng bansang umaangkin dito pero wala yatang may gusto dahil karamihan sa mga bansa, lalu na ang China ay gustong angkinin lahat.