NASA “yellow alert†na ang supply ng elektrisidad sa Metro Manila ayon sa Energy Department. Ibig sabihin bitin na bitin. Huwag naman sanang umabot pa sa “red alert†dahil kapag nawala ang kuryente sa panahong ito na saksakan ng init, baka dumami ang daranas ng heat stroke. Magkatuwang pa naman lagi ang kakulangan ng tubig at elektrisidad.
Nababahala na rin ang mga negosyante sa walang ka-seguruhang power supply na ang halaga’y pinakamataas sa buong Asya.
Kaya sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, sinulatan na ng mga negosyante si Presidente Noynoy Aquino para aksyonan ang malaon nang problemang ito.
At bakit hindi nga mababahala ang mga negosyante? Kung mananatili sa kasalukuyang kalagayan ang power rate at nagbabadya pa rin ang kakulangan nito, baka magsilayasan na ang mga foreign investors at lumipat sa ibang bansa sa Asya.
Nakababahala din ang kamakailan ay pagdanas ng serye ng blackout sa rehiyon ng Mindanao kamakailan, isang problemang nagbabadya din ngayon dito sa Luzon lalu pa’t nagsisimula nang bumagsak sa critical level ang mga dam na nagpapainog sa mga plantang pang-elektrisidad.
May mga nagsasabi na mas importante raw ang tubig na naiinom at naipanlilinis ng taumbayan kaysa kuryente dahil puwedeng mabuhay ng walang elektrisidad pero tiyak na mamamatay ang tao kapag nawalan ng tubig.
Parehong mahalaga iyan. Kung babagsak ang mga negosyo, mawawalan ng trabaho ang maraming kababayan natin. Kapag nawalan ng trabaho, marami rin ang mamamatay sa gutom.
Iyan ang kambal na problemang kinakaharap ng bansa ngayon. Noon lamang nakaraang Biyernes ay nagkaroon ng sorpresang power interruption sa ilang lugar sa Luzon. Inamin na mismo ni Energy Secretary Jericho Petilla na sadÂyang aandap-andap ang power supply at walang katiyakang magiging matatag ito.
Hindi lang naman kakulangan ng tubig ang ugat nito kundi ang isa-isang pagbagsak ng mga coal-fired power plants. Idalangin nating huwag umabot ito sa “red alert†dahil ang ibig sabihin niyan ay talagang kritikal na ang kakulangan ng kuryente.