“That’s Entertainment” ang Napoles list!
Aaminin ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dati medyo nakakabitin ang drama nitong kaso ni Madam Janet Lim-Napoles.
Tatlong itlog este mali senador pala at lahat mula pa sa oposisyon at dehins kaalyado ni P. Noy ang paulit-ulit na lang na dinadawit ng mga tinaguriang whistle-blower ni DOJ Secretary Leila De Lima.
Two days ago, kinuyog tayo ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Eto na, ako mismo ang muntik mahulog sa silya nang nagtawagan ang ating alipores at natatarantang nag-ulat na 9 na senador na at 53 mga tong este mali Congressman pala ang napabilang na sa diumano’y listahan na dinawit ni Napoles sa multi-billion peso Priority Development Assistance Fund scam. Hehehe!
Sabi nga, sangkaterba pala sila!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Sa ngayon, “bull’s eye,†ika nga, dahil nakalista din daw ang maraÂming mga opisyal sa pamahalaan tulad ni Agriculture SecretAry Proceso Alcala at Budget Secretary Butch Abad na malapit sa ating Pangulong P.Noy.
Sabi nga, hindi lang sila mga katrabaho, kabarkada pa!
Mukang talbog din ang The Legal Wife sa bagong patok na telenovela ng madlang people. At ito ang ‘The List,’ sa panulat ni Napoles. Ang problema ay sangdamukal ang bersyon nito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang duda ng iba may tinapyasan na, kaya naging ‘The Least.’ Hehehe!
Ika nga, sa hirit ng mga tomador sa kanto ni Aling Hule kung may bawas, may dagdag!
Dahil nakakalito nga, ayun nauwi tuloy sa patutsadahan na, ayon sa isang TV news website, isang beki at isang baliw. Ang ilang pulitikong nasa listahan halos lahat ng santo binanggit sa pag-giit na inosente sila. Meron naman iba na dinedma lang.
Naku poh!
Ang payo lang ng Chief Kuwago sa madlang people, hinay-hinay sa pagkondena. Suriin kung may basehan nga, hintayin ang ebidensya. Maging mapagmatyag kung ang mga listahan ay nanglilihis, nang-iinis, o nanggugulo lang.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa pa, bagamat ito ang bagong ‘That’s Entertainment,’ huwag sana nating kalimutan ang mga tunay na isyu ng madlang bayan.
Ika nga, Ga-sardinas na sikip ng MRT, usad pagong sa EDSA, ang napipintong El Niño, pati mga mad killers sa Fairview!
At kilatisin ang record ng mga nasa listahan. Tulad ni Procy Alcala, boss tsip ng DA. Dapat ba tsupi na sya, kasi natsismis na?
Ayon sa pagbusisi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mula 2010, 26 million na punong niyog ang naitanim ni Alcala. Ang ani ng palay lomobo o umalagwa mula 15.8 million metrikko tonelada up to 18.5 million metric tons.
Ang resulta: 96 porsyento na tayong “self-sufficient†sa bigas!
Kayod kalabaw itong si Proceso. ‘Di tulad ng iba ang trip lang mambola sa harap ng kamera. Kung sabagay genwayn naman talaga s’yang magsasaka. At ang kalabaw na tulad ni Proceso ang tunay na BFF ni Pedrong Magsasaka.
Abangan.
Lahat ng sasakyan sa MIAA complex exempted sa color coding (Part 1)
NAPANGANGA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng ibulong sa kanila na exempted ang lahat ng mga sasakyan dumaraan sa mga lugar na sakop ng MIAA.
Sabi nga, from Sucat, Parañaque to Pasay City!
Kaya pala grabe as in matindi ang traffic sa NAIA kaya tuloy ang mga pasaherong umaalis at dumarating dito ay tumataas ang alta - presyo sa buwisit sa lugar.
May mga bright people na magpapalusot na kaya grabe ang traffic ay dahil may reconstruction-reblocking patungo sa NAIA Terminal 2. Totoong may ginagawa dito pero kahit na noon pang panahon ni Kulafu trapik na talaga sa bisinidad ng MIAA.
Bakit?
Wala kasing color coding dito kaya lahat ng mga sasakyan mapa- dambuhalang cargo truck, bus, jeepney, kotse, motorsiklo ay exempted sa color coding at dito dumadaan galing Pasay palabas ng Sucat, Parañaque City vice-versa.
Sabi nga, walang huli.
Bakit?
Kamote, wala nga color coding!
‘Kapos ang column ng Chief Kuwago.’
Abangan.
- Latest