Mobile cars
HINDI makapaniwala itong aking mga bisitang Italyano sa pagiging kulelat ng Manila Police District sa pagpapatrulya sa kalye, kasi nga noon kinikilala ang MPD na sa pinaka-magaling at modernong pulis sa buong mundo. Subalit sa ngayon nabubukod tanging ang Manila’s Fi-nest lamang ang hindi nakatutugon sa show of forces ng National Capital Region Police Office sa limang distrito ng kapulisan sa Metro Manila. Sa kanilang paglilibot kasi nakapukaw ng pansin sa kanila ang nakakalat na mobile patrol cars na naka-blinker sa kalye mapaaraw man o gabi. Kaya sa pag-uwi nila sa kanilang bansa tiyak na ikakalat nila ito sa kanilang mga kalahi na ang Pilipinas pala ay masigasig sa pagbibigay ng seguridad.
Ang masaklap paano pa nila maipagmamalaki ang MPD kung ni isang mobile cars eh wala sa kalye at kung mayroon man nanggigitata ito at titigok-tigok. Paano nga naman nagkandabulok ang halos karamihan sa 178 mobile patrol cars ng MPD matapos na pabayaan na lamang ito sa bangketa na masira sa walang habas na panghaharibas sa pangungulekta ng datung sa mga trucking at illegal vices. Ang masakit nito ibinulsa pa ang budget ng pang-maintainance at maging ang P15,000 na panggasolina ng mga nagdaang MPD directors. Get nyo mga suki!
Noon kasi nang panahon ni Gen. Roberto “Boysie†Rosales kumikinang at running condition ang mga mobile cars na may nakakabit na Global Positioning System (GPS) devices kaya madaling mamonitor ang kahina-hinalang lakad ng mga pulis dahil activated ito sa District Tactical Operation Center sa MPD headquarters. Kaya sa loob ng seven minutes kailangan makakaresponde na agad ang pinakamalapit na mobile cars sa kaguluhan o nangangailangan ng police assistances. Ngunit nang lisanin ni Boysie ang MPD unti-unti na itong napabayaan na nagresulta sa pagkabulok. Sa kasalukuyan walang nagkukusang mag-sponsor ng mobile cars sa MPD sa ngayon matapos na madismaya ang mga Chinese communities at pulitiko sa sinapit ng mga nai-donate.
Wala ring maibigay na patrol cars si Mayor Erap Estrada sa MPD dahil ga-bundok ang utang na iniwan umano ni dating mayor Fred Lim. Ang tanging maiaambag lamang ni Erap kay MPD director CSupt. Rolando Asuncion ay ang pagpakumpuni ng anim na mobile cars upang masabi naman na hawak niya sa leeg itong mga kapulisan ng MPD. Hehehe! Ngunit hindi kumbinsido rito ang aking mga kausap dahil ang Maynila ay premier city ng bansa, narito ang Malacanang, US Embassy at tourist attraction na Rizal Park, Intramuros Wall at Fort Santiago na dinarayo ng mga banyaga. Kaya tuloy lumalakas ang ugong na hindi pa tapos ang cold war nina Pres. Noynoy Aquino at Erap sa pulitika. Kasi nga kung maganda ang pagtitinginan nina P-Noy at Erap tiyak na bubuhos ang ayuda na makapag-modernized ng MPD. Abangan!
- Latest