‘Si Amazing Kap!’

(Unang bahagi) 

PARANG tandang na magulang na makisig ang tindig ang tingin ng isang 16 anyos na dalaga. Siya naman ay parang batang inahin na palaboy-laboy ng siya’y girian nito.

“Pinakain niya ko sa Jollibee tapos sabi niya sumama ko may pupuntahan kami. Isinakay niya ko sa taxi. Maya-maya sa iba na kami lumiko …” kwento ni “Trish” (di tunay na pangalan), 19 anyos na ngayon.

Mula pa sa malayong lugar ng Duyay, Boac, Marinduque nagsadya sa amin si Trish at ina nitong si Alicia “Alice” Marcadia, 51 anyos dahil sa kanilang reklamo sa Kapitan nilang si Allan Hizole, “Kap Allan” kung tawagin.

Kasong “Qualified Seduction” ang hinabla ng mag-ina laban sa kapitan na kasalukuyan nang nakasampa sa Office of the Ombudsman, Quezon City.

Hiwalay sa asawang si Necomedes si Alice. Sa kanya naiwan ang lima nilang anak. Lumuwas siya ng Maynila taong 2008 para maglabada.

Dawalang taong inalagaan ng kanyang inang si Catalina ang mga bata. Buwan ng Disyembre 2010, bumalik siya ng Duyay at nagtinda ng kakanin sa loob ng isang eskwelahan kung saan guro ang isa niyang kapatid.

Kapos man, nakapagtapos ng hayskul ang panganay at pangalawa niyang anak. Si Trish naman pinag-aral ng tiyahing si Marilyn ng kursong ‘Midwifery’ sa Marinduque State College.

Bago pa pumasok sa eskwela ang anak nakakatanggap na raw si Alice ng mga ‘text messages’ mula sa ‘di kilalang numero.

“May relasyon raw ang anak ko at si Kap. Pabayang ina raw ako kaya nagkaganyan ang anak ko. Ang anak ko mana daw sa’kin,” wika ni Alice.

Ang kapitan na tinutukoy daw sa text ay si Kap Allan. Barkada ng kapatid niyang si Jorge.  Kababata at kalaro naman raw niya nung araw.

Hindi naman pinansin ni Alice ang texts hanggang mag-aral na nga itong si Trish ‘di na siya nakatanggap ng anumang mensahe.

Bagsak ang naging grado ni Trish sa midwifery kaya’t huminto siya sa pag-aaral at nanatili na lang sa bahay.

Animado ang ina na may katigasan ang ulo ng kanyang anak. Nobyembre  5, 2012, nagpaalam si Trish na pupunta sa kaibigan nung H.S na si “Elizabeth” sa Purok Uno. Alas siete na ng gabi wala pa rin si Trish sa bahay.

Nag-alala ang ina kaya’t pununtahan na niya ito. Habang nag­lalakad

nakasalubong niya ang anak sa daan kasama ang kaibigan.

“Madilim sa lugar namin… kaya ayokong ginagabi siya ng uwi pero pinalampas ko na lang,” wika ng ina.           

Kinabukasan pinuntahan na lang si Alice ng isa niyang pinsan at sinabihan, “Manang… wala ka bang alam sa anak mo. Mag-usap tayo!”

Ayon kay Alice, nagtapat raw ang kaibigan sa pinsan niya at sinabing nung umalis si Trish nung nakaraang araw, habang nasa biyahe sila paputang ‘computer shop’ sa bayan ng Boac bumaba daw si Trish sa Blue Sea Resort at sinabi daw na “Magkikita kami ni Kap. Susunod na lang ako sa shop.”

Nagtaka raw ang kaibigan dahil tatlong oras bago ito nakasunod sa shop Agad kinumpronta ng ina si Trish pag-uwi sa bahay.

“Anong ginawa niyo ni Kap Allan?” tanong ng ina.

Sagot naman ng anak, “Nanay, wala po nag-usap lang kami dahil ng natsismis kami pero Nay wala talaga!”

Kahit kalat na sa bayan nila ang balitang may relasyon daw ang anak at kanilang kapitan mas pinaniwalaan ni Alice ang anak.

Desyembre 2012, bumisita sa kanilang bahay ang kaklase ni Trish na si “Mylene” at dalawang araw sa kanila natulog. Kinahapunan, bigla na lang nawala itong si Trish. Kwento ng lolang si Catalina nagpaalam ang apo na matutulog sa bahay nila Mylene sa Tanza, Marinduque.

“Napuno na ko sa anak ko ng panahon na yun kaya ‘di ko na siya hinanap. Umuwi siya limang araw makalipas,” kwento ng ina.

Dumaan ang pasko at dumating pista sa kanilang bayan. Ika-27 ng Desyembre 2012 umuwi ang bestfriend ni Trish galing sa Maynila si “Juvie”.

Nabanggit ni Elizabeth na may alam daw si Juvie tungkol kay Trish at Kap.

Kinausap ni Alice ang mga magulang ng mga kaibigan ng anak at pinaalam na samahan siya sa pulisya sa Marinduque, sa kampo para magreklamo laban sa kapitan. Sumama ang mga ito, maging si Trish at tiyahing si Marilyn.

Ayaw magsalita nung una ni Trish kaya ‘di na kumibo ang mga kaibigan.

“Walang nangyari sa pagpunta namin kaya sinabihan kami ng police woman na kung gusto namin paghaharapin kami ni Kap Allan,” sabi ni Alice.

Iniskedyul ang kanilang paghaharap ika-28 ng Disyembre 2012.

Sa tinakdang araw nagkaharap sila ni Kap Allan.

“ ‘Di siya umamin sa nangyayari sa kanila ng anak ko!” ayon kay Alice.

Sa galit ng ina, sasamapalin niya si kapitan subalit naawat siya ng mga pulis.

Nagalit raw itong si kapitan at sinabi umanong, “Kung ako gaganyanin mo lang. Aalis ako dito. Iiwan ko ang usaping ito!” sabay labas na parang wala daw nangyari.

Pinapunta na sila Alice sa Boac, Police Station. Dito na nagbigay ng salaysay si Trish kay SPO1 Eleanor Adlawan nung ika-3 ng Enero 2013 sa harap ng kanyang ina. Ayon sa noo’y 17 anyos na dalaga. Nireklamo ni Trish ang pakikipagrelasyon daw ni Kap Allan sa kanya at ang nangyayari umano sa kanila.

Base sa salaysay, nagsimula lang sila  sa  palitan ng texts nung kalagitnaan Oktubre 2010. “Naging close na po kami sa isa’t isa at naging mabait po siya sa akin. Pero hindi naman po siya nanligaw sa akin at hindi ko rin po siya sinagot at pag nagkikita po kami at binibigyan niya ako ng pera.”—laman ng salaysay.

Kumakain daw sila sa Goodchow sa Boac at inaabutan daw siya nito ng halagang Php1,000-Php2,000 pang-‘allowance’ daw umano.

Kapag tinatanong niya si Kapitan kung bakit ang bait nito sa kanya, “…sabi po niya ay gusto raw niya ako dahil mabait po ako.”—ayon pa sa salaysay.

Sa salaysay ni Trish kinwento niya ang unang beses na may nangyari umano sa kanila ni Kap nung Abril 2011, pagka-graduate niya nung hayskul.

Lumuwas ng Maynila si Trish at kaibigang si Juvie… sa isang ‘hotel’ umano siya dinala nitong si Kap Allan…

Hindi pa raw nakuntento si Kapitan ng unang ginamit umano siya nito. Dinala naman siya sa Lucky Seven Hotel… Ano ang mga pinaggagawa kay Trish? Ginamit niya ba ang kanyang posisyon bilang kapitan? Binaboy niya ba ang pagkawala muwang sa kamunduhan ni Trish?

ABANGAN ang detalyadong salaysay ni Trish sa BIYERNES. EKSLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th flr CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Magtext sa 09213263166, 09198972854 o tumawag sa 6387285/7104038.

Show comments