GUSTO muna natin pasalamatan si Dr. Pontinoza ng Premiere General Hospital, dyan sa Baler, Aurora sa ipinakita nitong makatao at mabait na pagtrato sa isa sa mga anak ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng magkaroon ito ng sakit at gamutin ni dok.
Sabi nga, salamat Doctor Pontinoza. Mabuhay ka!
Kambiyo issue, napakaganda ng Baler malaki na ang pinagbago nito at napakaraming magagandang lugar na pueÂdeng puntahan ng mga turista na going dito partikular ang modernong Costa Pacifica Hotel, Casita de Bahia at Casa de Bahia, dyan sa Sabang, Baler, Aurora.
Nagulat ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng makita nila ang Costa Pacifica Hotel dahil bagong - bago as in newly built kaya naman napakaganda, malinis, elegante at super bait and accommodating ang mga hotel personnel.
Hindi rin biro ang hotel dahil may 106 rooms and suites kaya sulit ang pagpunta sa Baler kung dito tayo magpapahinga dahil bawat oras ay masasayahan ang mga bakasyunita sa lugar.
Sabi nga, sulit!
Ang higit sa lahat napakasarap ng tsibog they offer both local and international cuisine at karamihan sa pagkain dito ay iniluluto sa pugon.
Ika nga, affordable pa ang presyo!
Ibang klase ang resort services at amenities kahit na malayo ito sa Metro - Manila dahil lahat ng kuarto rito ay may LCD tv cable, hot and cold shower, 24 hours room dining, laundry services, daily make-up room, libreng wi-fi at gym.
Sa mga mahilig mag-beach may surfing lessons, board rentals echetera, echetera at sa murang halaga ay matututo kang mag-surfing na wala pang 30 minutes. Ang masarap pa hindi ka na lalayo pa para mag-surfing sasakay ng barko o eroplano para magpunta sa ibang probinsiya sa Philippines my Philippines.
Sabi nga, relaxing talaga!
Pagpasok pa lamang sa Costa Pacifica, ay bubungad sa madlang turista sina Pettina Cruz, Randy Salvador at Queenie de Luna ang mga mababait na hotel ‘top brass’ dito at kung ano man ang maitutulong nila sa inyo huwag kayong mahihiya na magsalita dahil they are ‘ready’ para maasikaso kayo ng mabuti at maging ‘happy’ pagbalik ninyo sa inyong bahay after vacation. Hehehe!
Ipinagmamalaki ng Baler ang mga magagandang tanawin sa kanila bukod pa sa 9 - foot waves sa Sabang beach. Ang Aurora, para sa kaalaman ng madlang people ay ang coconut capital ng Philippines my Philippines. May 230 kilometers northwest of Manila via Sierra Madre mountain.
Sa madlang public na gustong magbakasyon ngayon summer at mahilig sa ‘adventure and nature’ tripping huwag na kayong mag-atubili pa na magpunta sa Baler, Aurora at mag-check in sa Costa Pacifica, Casita at Casa de Bahia para maranasan ninyo ang magandang lugar at hotel.
Ika nga, very relaxing!
‘Ano pa ang hinihintay ninyo punta na.’
Queen Joy ng Parañaque
KAMOTE, din naman ang mga pinakakalat ni Joy, ang ‘jueteng queen’ sa Paranaque City dahil hindi siya puedeng tinagin o patigil sa kanyang illegal operation dahil sagana naman diumano ang NCRPO foolish cops sa kanya at maging mga hunghang dyan sa cityhall at local foolish cops?
Naku ha!
Totoo kaya ito? Take note, Mayor Olivarez, Your Honor!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 6 months na sa jueteng operation si Joy pero up to now ay wala man lang pumipigil o humuhuli dito.
Bakit kaya?
Sagot - may salaping tinatanggap ng mga kamoteng huhuli!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P.3 million ang engresong pumapasok sa bulsa ni Queen Joy everyday and holiday at ang 1/3rd dito ay pasok sa intelihensiya ng mga kamote kaya naman malaya at hayagan ang tayaan ng mga sugarol sa kamoteng prinsesa.
‘Ano ang ginagawa ni NCRPO chief kay Joy?’ tanong ng kuwagong SPO -10 sa Crame.
‘Wala.’ sagot ng kuwagong haliparot sa club.
‘ano ngayon ang gagawin ng Crame sa jueteng sa Parañaque City?’
‘Kamote, iyan ang itanong ninyo sa kanila.’