NAPAWALAY sa pamilya, kinulong sa isang maliit na silid… ginugutom at tanging kapeng mapait lang ang gumuguhit sa lalamunan buong magdamag.
Ganito raw ang sitwasyon ngayon ng isang Pinay Domestic Helper (DH) sa bansang Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.
“Nakatanggap na lang ang nanay ng text galing sa recruiter na si Ruby. Nalaman daw na buntis ng kapatid ko kaya siya pinarusahan,†ani “Japâ€.
Ang Pinay DH ay si Marife “Fe†Padillo Baculo, 24 anyos. Tubong Victoria, Mindoro, may asawa’t isang anak.
Kwento ng magkapatid na Joel Padillo o “Jap†at Jocelyn Gutierrez o “Celynâ€, anim na taong gulang pa lang ang bunso nilang si Fe ng mamatay ang kanilang ama. Sa hirap ng buhay ‘di na nakatapos ng kolehiyo si Fe.
Sa edad na 19 anyos ikinasal siya kay Arnold Baculo taga Mindoro, isang gwardiya. “Mahilig magtrabaho si Fe… lahat nilalako. Mapa-pagkain o damit,†ayon kay Celyn.
Tulad ng mga ibang ina, isa sa pangarap ni Fe ang mapag-aral sa magandang eskwelahan ang kanilang anak. Kaya naman noon pa lang gusto na nitong magtrabaho ‘abroad’. ‘Seaman’ sa Riyadh ang kamag-anak ng mister na si Jessie kaya mas nahikayat mangibang bansa si Fe.
Isang kabaryo’t kaibigang si “Noemi†ang nag-aya kay Fe na ituloy ang planong mangibang bansa. Sinabi ni Noemi na may alam siyang ahensyang maaaring tumulong sa kanila. Ang LBH Int’l Placement Agency, Ermita, Mla.
Lumuwas sila ng Laguna. Isang nagngangalang “Rubyâ€, kapatid nitong si “Amira†at nagpakilalang sekretarya raw ni Ruby na si “Fara†ang tumulong sa dalawang magkaibigan sa pag-aayos ng kanilang dokumento.
“Hindi na namin alam ang istorya basta lingguhang kung umuwi si Noemi sa Mindoro,†banggit ni Celyn.
Mula huling mga buwan ng taon 2013 inasikaso nila Fe ang pagpunta sa bansang KSA sa tulong daw ng ahensyang LBH Int’l.
Ika-15 ng Perbrero 2014, nag-text na lang si Fe kay Jap at Celyn na pupunta ng Saudi. Hinatid nila sa Airport si Fe. Dito nila nakita si Fara.
Dalawang taon ang magiging kontrata ni Fe bilang DH. Naingganyo siya dahil kikita siya ng halagang 400.00 US Dollar o nasa Php16,000 kada buwan.
Pebrero 16, 2014… 8:00AM nag-text itong si Fe at sinabing nasa Saudi na siya at hinihintay na lang ang kanyang employer. Nagpa-load pa ito ng Php500. Ito na ang huling matinong text ni Fe. Tatlong araw ang lumipas hindi na nagparamdam pa ang kapatid. Binalita na lang kina Jap ng inang si “Pina†na ayon kay Ruby, buntis daw si Fe at kailangan nilang magpadala ng halagang Php70,000 para sa plane ticket nito. Php150,000 daw dapat ito, hati na sila ni Ruby.
Tini-text nila si Fe subalit ‘di ito nagre-reply. Ika-20 ng Pebrero nag-text ito kay Jap at sinabing, “Kuya paki tawagan c Arnold pxav kh8 500 dagdagan importanteng my lod aq d2. Sumabit aq xa medical…tawag ngaun xakinâ€â€”laman ng text ni Fe.
Niloadan agad nila si Fe. Nag-text daw siya kay Jessie na nasa Riyadh at sinabing nakakulong siya sa isang kwarto at tanging kape lang daw ang pinaiinom.
Muli nilang tinext ang kapatid subalit wala siyang natanggap na sagot kundi mga letra lang tulad ng “sâ€, “Mtrhtâ€, “Djfhdgf†at “Bagduqâ€.
Sinubukan nilang tawagan ulit si Ruby, ‘di na nito sinasagot ang kanilang tawag maging sina Amira at Fara.
Nagdesisyon na silang pumunta sa ahensyang LBH Int’l. Isang nagpakilalang “Gigi†ang nagkumpirmang buntis daw nga si Fe. “Wag daw kami mag-alala at umuwi na raw kami ng Mindoro. Tatawag daw ang kapatid namin 2:00AM pero wala kaming tawag na natanggap,†kwento ni Celyn.
Ilang beses nilang tinanong ang kumpletong pangalan ni Ruby at address nito para mapuntahan nila subalit hindi raw alam ng agency ang ano mang detalye.
Huling text daw ni Fe, sinisingil na siya dun ng Php150,000. Kundi siya makakapagbigay ipapapulis daw siya at kakasuhan ng pagnanakaw. Maliban rito, sinabi ni Fe na ang perang sinisingil ay ang advance payment daw na hiningi umano ni Ruby sa kanyang employer. Ito ang dahilan ng pagpunta nila sa amin.
Itinampok namin ang magkapatid na Padillo sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
PARA SA ISANG PATAS NA PAMAMAHAYAG, sinubukan naÂming tawagan ang numero ni Ruby subalit ‘di nito sinasagot ang kanyang cellphone.
Tinawagan namin ang LBH Int’l Placement Agency. Nakapanayam namin sa radyo si Riza Yate at sinabi nitong buntis nga raw itong si Fe subalit ‘di nila alam kung ilang buwan na. Tinanong namin kay Riza kung paano nila ito nalaman.
“According po sa nagsu-supply ng visa,†ani Riza.
Wala raw silang kontak sa amo ni Fe. Si Ruby, siya raw ang may kontak. Hindi daw nila agent si Ruby, hindi raw sila ang naglakad ng dokumento ni Fe. Binibigay daw ni Ruby ang visa at kontrata sa kanila at sila lang ang taga pasa sa POEA. Nakiki-‘ride’ lang daw pala si Ruby dahil ang ahensya nila ang may accreditation. Ganun pa man, nakikipag-ugnayan na raw sila sa ahensya ni Fe sa Ali Ahmed Alghamdi Recruiting Office sa KSA.
Nakapanayam din namin sa radyo ang asawa ni Fe na si Arnold at tinanong kung alam niyang buntis ang misis. Sagot nito, hindi naman daw sinabi ni Fe at isang buwan itong namalagi sa Laguna. Dinagdag pa niya na hindi regular ang kanyang regla at kung minsan tumatagal ng dalawang buwan na ‘di ito dinadatnan. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi namin malaman kung paanong nakalusot sa medical examination ni Fe na siya’y hindi buntis. Ayon sa magkapatid na Jap negative naman daw ang resulta ng pregnancy test ng siya’y maeksamin. Palaisipan din sa’min kung bakit ‘di alam ni Arnold na buntis si Fe. Para sa LBH, paano nangyaring napaalis nila ang isang aplikante na hindi man lang nila nalalaman ang tunay na pangalan o tirahan ni Ruby na umano’y tumayong recruiter? Pinayagan nilang gamitin ang kanilang recruitment agency ng isang taong tinatanggi nilang lubos na kilala nila. Parang nakakainsulto sa aming isipan na pumapayag sila ng ganito na wala man lang silang tongpats.
Bukod dito, dahil ang LBH ang nakalagay ang opisyal na nagpasa ng mga papeles nito, swerte na lang kayo kung ‘di kayo makakaladkad sa usaping ito.
Malungkot isipin na itong si Fe ay basta na lang pikit matang susubok at magbabakasakaling makapagtrabaho ng ilang buwan para kumita… maibigay lang sa pamilya. Para tulungan si Fe, kami nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs at sa’ting embahada sa Saudi kay Ambassador Ezzedin Tago para alamin ang kundisyon ng ating kababayan at maipatawag ang amo nito. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038