Walang ipinagkaiba sa mga criminal o maÂmamatay-tao ang mga rice smuggler. Kaya nararapat lamang na mabigat na parusa ang igawad sa kanila. Kung mayroon pa sanang parusang kamatayan sa bansa mas angkop sana ito para sa mga rice smuggler. Mas magandang makita na nili-lethal injection ang mga rice smuggler. Dahil wala nang bitay, habambuhay na pagkabilanggo na lang. Sabagay, para na ring binitay ang rice smuggler kapag nakulong sila sa National Bilibid Prisons (NBP) dahil sa masamang sitwasyon doon.
Marami nang nagpanukala na gawing life sentence ang parusa sa rice smugglers at isa na rito si Northern Samar Rep. Emil Ong. Si Ong ay dating administrator ng National Food Authority (NFA). Ipinagmamalaki ni Ong na noong siya pa ang hepe ng NFA, walang nangyayaring rice smuggling. Ito ay dahil wala raw ipinapataw na duties or tariffs sa rice importation at tangi raw na NFA lamang ang nag-iimport ng bigas.
Ayon kay Ong, matagal nang nakabimbin ang kanyang panukalang batas na nagpaparusa ng habambuhay na pagkabilanggo sa rice smugglers. Ang House Bill 3897 ayon kay Ong ay hindi lamang magpapataw nang habambuhay na pagkabilanggo kundi mag-iimposed nang malaking multa depende sa dami ng bigas na ipinuslit. Halimbawa, kung ang value ng smuggled rice ay P500 million ang imumulta ng smugglers ay P1 billion. Hinihiling niya na maaprubahan na ang kanyang panukalang batas na sa palagay niya ay mabisang solusyon para maputol nang tuluyan ang rice smuggling.
Napapanahon ang panukala ni Ong. Dapat ngang habambuhay na pagkakulong ang parusa sa rice smugglers para matapos ang kanilang kabuktutan. Dahil sa kanilang ginagawa, nawawalan ng hanapbuhay ang mga local na magsasaka. Nawawalan ng saysay ang kanilang pagtatanim ng palay sapagkat hindi ito tinatangkilik ng mamamayan at mas binibili ang smuggled rice. Mas murang ibinibenta ang smuggled rice kaysa local produced. Dahil dito, napipilitang ibaba ng mga magsasaka ang kanilang bigas at talo sila sa puhunan. Wala silang kinikita kaya unti-unti silang “namamatayâ€. At walang ibang pumapatay sa kanila kundi ang mga rice smuggler. Maipasa sana ang panukalang batas ni Ong.