IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other day nagmungkahi si Iloilo Rep. Jerry Trenas, na magkaroon ng national emergency plan ang gobierno sa pangambang mauwi sa isang giyera ang tensiyon na nagaganap sa Ukraine.
Sabi nga, invaded by Russia!
Ang ginawang ‘envasion’ ng Russia sa Crimea ay maari daw gayahin ng China dyan sa South China Sea at walang magagawa ang Philippines my Philippines kung sakaling gumamit ng puwersa at i-take over ng world’s biggest army ang pinagtatalunang mga isla na katulad ng Kalayaan at Bajo de Masinloc.
Sabi nga, 2.5 million lang naman ang Chinese Army na malamang dumurog sa madlang pinoy sa Philippines my Philippines?
Bagaman ilang Pinoy communities lamang ang sangkot sa pinag-aagawang mga isla, ang posibilidad ng actual invasion sa major islands at full-blown armed conflict ay hindi dapat isinasantabi.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang nangyayari sa Ukraine at kung hindi aatras o mapapaalis dito ang mga Russian malamang lumalala ito at magkaroon ng giyera patani.
Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, walang masama kung sa ngayon pa lamang ay maghahanda na ang madlang pinoy sa maaring gawin ng mga tsekwa sa atin hindi natin tinatakot ang madlang people pero mas mabuti na ang nakakatiyak.
Sabi nga, always ready!
Ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay dapat mayroong community-based “disaster response†units na tutugon sa emergency situations gaya ng mass evacuation.
Ayon sa kuento ni Trenas ang Armed Forces of the Philippines Reserve Command ay dapat magkaroon na ng imbentaryo at pagsasanay ng reserve forces nito sakaling kailanganin.
Hinikayat ni Trenas ang NDRRMC at AFP na simulan na ang mga drills at simulation exercises upang pataasin ang kahandaan sa emergency situations kabilang na ang posibilidad ng armed conflict sa abroad.
Sabi ni Trenas, ang Philippines my Philippines ay madalas binibisita ng mga bagyo at hindi lang basta bagyo kundi may super storm pang lumanding dito at iba pang kalamidad, at nakakalungkot na karamihan sa mga barangay natin ay salat sa kagamitan.
Banat ni Trenas, “Our nation is weak not only because our armed forces if ill-equipped but also because our people have become too complacent that we have forgotten that we have a duty to defend our sovereignty.â€
Abangan.
2016 Presidential Election nangangamoy na
PUMUSTURA na sa madlang pinoy ang mga gustong tumakbo sa 2016 Presidential Election kaya naman mabilis umarangkada si Vice President Jojo Binay para ipaalam sa madlang people sa Philippines my Philippines na handa siya sa panguluhan eleksyon 2 years from now.
Gustong makatambal ni Binay si ‘Darna’ este mali si Batangas Governor Vilma Santos Recto pala bilang paÂngalawang pangulo niya.
Sabi nga, Nay - Vi?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa maagang deklarasyon ni Binay sa 2016 ay wala pang naririnig sa kampo ni SILG Mar Roxas kung tatakbo rin ito para makalaban ang lumampaso sa kanya noong 2010.
Sabi nga, tahimik pa!
Ang isa pang may balak pumalaot ay si Senator Alan Cayetano pero hindi naman nito tiniyak kung sa 2016 na nga siya tatakbo bilang Pangulo?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang pang lumalabas sa bibig ni Senator Bongbong Marcos kung makikipagsalpukan din ito sa 2016.
Abangan.