HUMAHAGULGOL si Tony Sy, may-ari ng Happy Sauna Bath sa E. Rodriguez Ave., sa Quezon City dahil dinaanan siya ng bagyo. Parang Super Typhoon Yolanda ang lakas kaya nalimas ang bulsa ni Sy. Ang tinutukoy kong bagyo mga suki ay si PO1 William Cajayon, kolektor ni CIDG director Chief Supt. Benjie Magalong at ng isa pang unit ng CIDG na ATCD. Ayon sa mga suki ko, tinokahan ni Cajayon ng abo’t langit na lingguhang intelihensiya si Sy para sa opisina ni Magalong at ATCD kaya hayun, umiiyak si Sy. Sa unang sultada kasi, hindi nagbigay ng weekly payola si Sy sa katwirang “no take†ang opisina ni Magalong at ATCD subalit may tinawagan si Cajayon at kinabukasan, ni-raid ang puwesto niya. Kaya puwerÂsahang naglalagay ngayon si Sy para kay Magalong at ATCD courtesy ni Cajayon. Sa tingin n’yo mga suki, tinalikuran na ni Magalong at iba pang CIDG units ang “no take†policy ni DILG Sec. Mar Roxas?
Sa pananaliksik ng mga suki ko, si Cajayon na may badge No. 164938 ay naka-assign sa Basilan ng ARMM. May balita na na-dismiss na siya sa serbisyo subalit ayon sa file niya sa DPRM sa Camp Crame, aktibo pa ito at nasa permanent status. Kung sa ARMM naka-assign si Cajayon, bakit narito siya sa Kamaynilaan at naghahasik ng lagim? Hindi lang pala si Sy ang nabibiktima ni Cajayon kundi maging ang iba pang club, sauna bath, DVD operators at iba pang ilegal. Kung may basbas ni Magalong ang pango-ngotong ni Cajayon, sino pa ang may kayang pigilan siya?
Ipinagmamalaki kasi ni Cajayon sa mga kausap niya na hindi siya masisibak sa PNP dahil kamag-anak niya si Dep. Dir. Gen. Dindo Espina ang Deputy chief for OpeÂrations (DCO). Matindi ang kapit ni Cajayon. Subalit, kapag nakarating kay Espina ang ilegal na ginagawa ni Cajayon, titiyakin ko sa inyo na hindi niya ito palalampasin. Kapag hindi naman kumilos si Espina, ibig sabihin totoong magkamag-anak sila. Tingnan natin kung hanggang saan ang kahambugan ni Cajayon. Panahon na para tuldukan ang kabuktutan niya. Abangan!