UMAANI ng suporta ang inihain ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada na Senate Bill No. 1976 (Tulong-Dunong Program Act) na naglalayong tulungan sa pag-aaral ang mga mahihirap na kabataan. Binigyang-diin ni Jinggoy ang isinasaad ng Konstitusyon na “The State shall establish and maintain a system of scholarship grants, student loan programs, subsidies and other incentives which shall be available to deserving students in both public and private schools, especially to the underprivileged.â€
May mga available na scholarship program aniya pero kulang pa ang mga ito lalo’t napakarami pang kabataan na nasa “economically disadvantaged families†ang hindi nakakayanang makapag-aral. Base sa mga isinagawang pag-aaral, sa bawat 100 kabataan na nag-elementarya, 60 lang ang nakaaabot ng Grade Six, 40 lang ang nakatatapos ng high school, at 14 lang ang nakatatapos ng kolehiyo. Ang dahilan: kulang ng panggastos sa pag-aaral.
Alinsunod sa panukala, maglalaan ang gobyerno ng financial assistance program para sa mga mahihirap na kabataan na nais mag-aral. Ang mga magiging benepisÂyaryo ay tutukuyin base sa poverty status determination ng National Economic and Development Authority. Ang mga benepisyaryo ay tatanggap ng P3,000 monthly allowance, gayundin ng tuition assistance, book alloÂwance at iba pang pangangailangan. Ang programa ay ipatutupad ng Commission on Higher Education at Department of Budget and Management.
Sinabi ni Jinggoy, “Marami sa ating kababayan ang laging nag-iisip kung kakayanin bang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, at kung kakayanin bang mapagtapos sila ng kolehiyo. Ang sagot ko, hindi dapat maging sagabal ang kahirapan para makapag-aral. Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan para marating ang mga pangarap.â€