SINABI sa atin ng Diyos: “Ibigin mo ang kapwa gaya ng iyong sarili. Huwag maghiganti at magtanim ng galit, sapagkat ang mahabaging Diyos ang nagmamagandang loobâ€. Sabi ni Pablo na tayo ang templo ng Diyos. Naninirahan sa atin ang Espiritu Santo. Kaya ingatan natin ang sarili. Huwag nating wasakin ang templo ng Diyos upang huwag tayong parusahan. Kailangan natin ang karunungan sa Diyos at hindi ang sanlibutan. Ang karunungan ni Hesus ang ating kailangan.
Iwasan natin ang “Lex Talionis†sapagka’t ang pagganti ng masama ay lalong sumisira. Kaya sabi ni Hesus, alisin ang paghihiganti: “Mata sa mata, ngipin sa ngipinâ€. Ibig sabihin na huwag nating labanan ang masamang tao. Kapag sinampal tayo sa kanang pisngi ibigay pa natin ang kaliwa. Kapag kinuha ang ating baro ibigay pa natin ang balabal. Idinagdag pa ni Hesus na dapat nating ibigin ang ating mga kaaway at idalangin ang mga umuusig sa atin upang tayo’y maging tunay na anak ng Diyos.
Pinasisikat Niya ang araw sa masama at mabuti; pinapapatak ang ulan sa mga banal at makasalanan. Kadalasan nagiging mabait lamang tayo sa mga mabait lamang sa atin.
Tayo’y mga pawang nilikha ng Diyos at pantay-pantay ang pagtingin sa atin. Sana’y maging wagas ang ating pasunod sa kanya. Tayong mga Pilipino ay mapagtanim ng galit at mainggitin. Hindi matanggap ang tagumpay ng iba kaya sinisiraan.
Kung minsan sa ating panalangin ay sinisisi pa natin ang Diyos sa hindi pagkakamit ng mga bagay na ninanasa. Para bang sinasabi natin sa Kanya na bakit kung sino pa ang masasamang tao ang binibigyan Niya nang maraming salapi. Mainggitin tayo. Ang dapat nating ipagpasalamat sa Kanya ay ang biyaya ng buhay na ating nakakamtan. Huwag nating pansinin ang tingin ng kapwa sa atin kundi ang tingin ng Diyos sa atin.
Levitico 19:1-2, 17-18; Salmo 102; I Cor 3:16-23 at Mateo 5:38-48