ANG ibig sabihin ng pamagat ng aking kolum ay Wanted a Wise and Worthy President of the Philippines in 2016. Ang mga Pilipino ay dapat maghanap na ng isang taong nararapat na maging Presidente ng Pilipinas sa 2016.
Ang kanyang qualifications dapat ay ang mga sumusunod: 1. May sapat na edukasyon at karanasan o kaalaman sa governance; 2. Di nasangkot ang pangalan sa ano mang klaseng anomalya o graft and corruption; 3. Hindi naging political butterfly o nagpapalit-palit ng partido na parang nagpapalit lamang ng damit; 4. Hindi miyembro ng isang political dynasty; 5. Hindi ganid o matakaw sa kapangyarihan tulad ng isang mataas na opisyal na maliÂban sa siya ay nahalal sa napakataas na katungkulan, siya ay miyembro rin ng Gabinete at Presidential Adviser pa kuno-kuno samantala wala naman siyang naging kaugnayan o karanasan sa sector na kinakatawan niya bilang presidential adviser. Maliban sa tatlong makapangyarihan puwesto na hawak na niya, may anak siyang mayor, anak na senador at anak na congressman; 5. May prinsipyo at nakahandang magpakulong sa mga nasasangkot sa plunder o pork barrel scams maging kapartido man sila o hindi; 6. Hindi babagal-bagal at may kakayahang umaksyon sa lahat ng klaseng crisis tulad ng bagyong Yolanda, Sendong at Ondoy; 7. Hindi pinag-uusapan ng buong sambayanan na yumaman dahil sa pulitika; 8. Hindi aristokrato na ang turing sa mga tauhan ay alipin; 9. Hindi nagpapagamit o nagbubulag-bulagan sa mga negosyante na nagpapairal ng labor contractualization; 10. Hindi tuta ng mga Amerikano at iba pang mga dayuhang naghaha-ring uri. 11. May kakayahang sugpuin ang mga rebelde.
Kawawa ang ating Inambayan. Tinatayang 12.5 million na ang jobless; 25 million ay underemployed; 10 million ay naka-exile sa ibayong dagat para kumita; at 50 million ay nakakaranas ng gutom ng ilang beses sa isang buwan. Kaya WWW POP 2016.