Ayon sa pinaka-latest na survey ng Social Weather Station (SWS), umabot na ng 12.5 million ang mga walang trabaho sa Pilipinas. Sobrang laki nito. Ang bilang ng ating jobless ay mas malaki pa sa pangkalahatang population ng ibang bansa tulad halimbawa ng United Arab Emi-rates na ang total population ay wala pang limang milyon kasama na ang 200,000 OFWs at iba pang foreign wor-kers. Ang Singapore naman ay mayroon lamang apat na milyong population kasama rin ang expatriates.
Ayon sa bantog na social scientist ng Amerika na si John Kenneth Galbraith, ang isang good society raw ay apat na katangian: 1. Bawat mamamayan ng isang good society ay may “freedomâ€. Ipinaliwanag ni Galbraith na maituring lamang na free ang isang tao kung siya ay may pera sa bulsa para mabili niya ang kanyang mga pangangailangan. Hindi sapat na siya ay may freedom of speech o right to vote etc.; 2. Bawat mamamayan ng isang good society ay may opportunity to have a better life; 3. Ang isang good society ay walang racial o ethnic discrimination; at 4. Bawat mamamayan ng good society ay may security o ligtas sa mga panganib na dulot ng criminal elements.
Sa apat na batayang binigay ni Galbraith, maliwanag na hindi good society ang ating lipunan. Ito ay very very bad, dahil milyun-milyon sa mga kababayan natin ay walang pera dahil jobless; milyun-milyon naman sa mga may kinikita o may ari-arian ay walang security dahil sa sila ay binibiktima ng mga criminal na kapit sa patalim dahil sa kahirapan; laganap naman ang discrimination laban sa mga indigenous people at mga Muslim; at dahil sa joblessnes o paghihikahos, milyun-milyon ang nawawalan ng pag-asa o pagkakataong gumanda pa ang kinabukasan.