USAP-USAPAN hanggang ngayon ang privilege speech ni Senator Bong Revilla nu’ng Lunes. Dalawa ang paksa niya. Una, ang paratang na kinulimbat niya ang P225-milyong pork barrel nu’ng 2008-2009. Ikalawa, ang pangÂhihimasok ni President Noynoy Aquino sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona nu’ng 2012.
Paninira lang ng administrasyon sa oposisyon, ani Revilla, ang pagsangkot sa kanya sa raket ni fixer Janet Lim Napoles. Hindi umano niya ito kilala; nagkataon lang na magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga anak mula maging magka-klase sa high school. Nagbulaan umano si whistleblower Benhur Luy sa pagsabing nakipagÂkita ito sa tauhang Richard Cambe, dahil nasa America ang huli nu’ng araw na ‘yon. Bakit inabot si Revilla nang limang buwan, mula nang masangkot sa “pork†scam, para sabihin lahat ito? Nakapagdududa.
Ito’y facts: Bagamat chairman ng Lakas-Kampi si Revilla, kabilang siya sa maka-administrasyong mayorya sa Senado. Merong photos si Revilla sa party sa bahay ni Napoles (madaling i-search sa Internet). At ayon sa abogado ni Luy na si Levito Baligod, sa dinami-dami ng salaysay nitong pakikitagpo kay Cambe, isang petsa lang ang sinabi ni Revilla na wala sa bansa ang tao niya. Nagpakita si Revilla ng Philippine Airlines ticket, Manila-Los Angeles. Ani Baligod, alas-10 ng gabi ang departure ng flight na ‘yon, kaya may oras pa magkita sina Luy at Cambe sa araw.
Seryoso ang implikasyon ng kuwento ni Revilla na pinatawag siya ni Aquino sa Malacañang para pabotohing i-convict si Corona. Pang-aabuso ito ng kapangyarihan ng Pangulohan. Pero ang problema, kuwento lang ito na walang pagpapatibay ng iba pang naroon.
Tumanggap si Revilla ng P50-milyong Disbursement Acceleration Program mula sa Malacañang nu’ng kasagsagan ng trial ni Corona. Hindi umano siya nagpa-pressure kay Aquino; sa halip ay bumoto sa tama: Conviction. Ibig sabihin nagpasuhol siya para gawin ang tama?