GUSTO kong bigyang daan ang panawagan ng ating VP for Circulation na si Fernando “Deng†Lopez na biktima ng talamak na operasyon ng akyat bahay sa kanilang Robinson’s Vineyard Subd. sa Dasmariñas, Cavite. Hindi lang si Lopez ang nabiktima ng operasyong ito ng mga masasamang loob kundi ang ilan pa sa naturang komunidad. Narito ang bahagi ng kanyang sulat sa atin:
“Sa ilang pagkakataon ay pinaabot namin sa Robinson’s Homes, ang aming hinanaing sa pamamagitan ng email ngunit nakakalungkot na hanggang ngayon ay hindi pa din inaaksyonan ang problemang aming idinudulog hingil sa lumalaganap at mapangahas na pagnanakaw na nagaganap sa nasabing subdivisionâ€.
Bilang patunay po ay hayaan ninyo akong ilahad ang ilan sa mga nakawang naganap at ipinaabot sa kanilang kaalaman:
1. FERNANDO LOPEZ - Nobyembre 1, 2013, nanaÂkawan ang dirty kitchen ng 2 burner stove, gasul tank at mesang bakal. Sinira ang screen door para subukang buksan ang door knob ng pintuang kahoy upang makapasok sa pinaka bahay.
2. ESTHER QUASAY – Nobyembre 20, 2013, pinasok ang dirty kitchen sa ganap na 12:30 ng umaga at nawalan ng ilang kasangkapang panluto. Pinalo ang aso sa ulo at binutas ang screen door ng kusina upang subuking makapasok sa loob ng bahay.
3. ESTHER QUASAY— March 8, 2012, pinasok ang bahay at nahuli nila sa akto ng pagnanakaw ang 3 binatilyong menor de edad at dinala ang mga ito sa DSWD ng mga pulis.
4. GIL MONTILLA – Nangungupahan at ninakawan ng last week ng September at 1st
ng October 2013 habang walang tao ang bahay. Halos naubos ang mga kagamitan nito.
5. SUSANA CASILLE – phase 2 blk 18 lot 26. Ninakawan ng halos lahat ng kagamitan nung Nobyembre 24 dahil nasa abroad ang home owner. Na-recover ang TV na ipinagbili din sa isang residente din ng Robinsons Vineyard Subdivision. Walang police report copy ang guardia.â€
Aksyon naman diyan pamunuan ng Robinson’s Homes!