SA February 1(Saturday), pormal na uupo ang mga bagong halal na elected at appointed officials ng Laon-Laan Lodge 185, Masonic year 2014-2015, pagkatapos ng kanilang 49th Public Installation na gagawin sa theater mall este mali Tanghalan Pasigueno at the back of Pasig City Hall, Pasig City sa dakong alas 3 ng hapon.
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga bagong opisyal ng Laon - Laan Lodge 185 na sina Bro.Fiscal Antonio “Blas†Tuliao, bilang Worshipful Master, Senior Warden, Bro. Adonis Baluyot, Junior Warden Bro. Rey Raagas, Bro. Francisco Romarate,Treasurer, Bro. Bro. Ernesto Ligon,Secretary, , VW Rosauro Regala, Auditor,VW Roberto Fajardo, Harmony officer,Bro. Mark Albren Santos, Senior Deacon, Bron. Walfredo Sumilang, Junior Deacon, Bro. Kurt Fedrick Friotz Muller, Senior Steward, Bro. Jose Maria Mendoza, Junior Steward, Bro. Junfel Zamora, Chaplain, Bro. Ronan Rex Ramos,Marshal,Bro. James Reinier Lino, Lecturer, Bro. Gualberto Angeles, Almoner, Bro. Nicolai Shahin Maghaddam, Orator, Bro. Jeffery Joseph Dublado, Organist, Bro. Butch Quejada, Historian at WB Rey Camilo Dumlao 11, Tyler.
DAHIL kabi-kabila ang instalasyon ng mga Brethren sa iba’t-ibang Loya sa Philippines my Philippines ipinararating ni Bro. Tuliao, Bro. Baluyot at Bro. Raagas at ng mga taga - LLL #185 na dumalo sa kanilang napaka-garbong Masonic Installation of elected and appointed officials ng kanilang Loya.
Sabi nga, ang hindi dadalo ay hindi makakakain ng kanilang masasarap at grabeng tsibugan na inihanda para sa lahat ng mga Kuyang, Ateng, mga anak, kaibigan, amuyong echetera.
Mga litson baka, litson baboy, nagbabahang Johnny Walker Blue, mga masasarap at malinamnam na tsibug ang nakahanda para sa mga darating.
Ipinaalala ni Bro. Adonis Baluyot, aka Golden Boy na huwag ng magdala ang mga Kuyang na pupunta ng mga plastic bag na lalagyan ng mga pagkain na gustong iuwi ng mga bisita dahil may mga nakatuka na para sa kanila. Basta ang importante ay mahalaga kayong dumating.
Si SB at ang GOCC’s
BUBUSINA este mali bubusisiin pala para magsagawa ang Kamara ng pagdinig sa sinasabing hindi awtorisado at sobra-sobrang allowances ng mga opisyal ng government-owned and controlled corporations.
Ayon kay House Speaker Feliciano ‘SB’ Belmonte Jr., mayroong magkakaibang opinion kung naaayon ba o hindi ang mga sahod at bonuses na ibinibigay sa GOCCs.
Naku, patay!
Itsinutcho kasi ng Commission on Audit sa madlang people of the Philippines my Philippines ang 10 GOCCs na isoli na ang mga bonuses at allowances na ibinigay sa kanilang mga opisyal, kabilang ang Philippine Health Insurance Corp. (P1.65 billion), Development Bank of the Philippines (P216.8 million), Region 7 water districts (P186.5 million), Philippine Charity Sweepstakes Office (P54.8 million), Philippine Economic Zone Authority (P48.5 million), Home Development Mutual Fund (P37.6 million), Butuan City Water District (P28.2 million), Development Academy of the Philippines (P23.8 million), Philippine National Oil Co. Exploration Corp. (P14.5 million), and Mactan-Cebu International Airport Authority (P14.4 million).
Laking pera nito!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat makalkal ito para maliwanagan ng madlang public kung tama o mali.
Ika nga, hala bira!
Gustong maintindihan ni SB ang mga criteria sa pagbibigay ng bonus, ano ang basehan ng COA sa pagsasabing labis-labis ito.
Tama nga, naman!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat malaman ng madlang people at importante sa Kamara na madetermina ang “reasonable, allowable at kung sino ang magtatakda ng mga ito.â€
Wala anyang batas na nagdedetermina ng compensation ng GOCC officials.
Abangan.