^

PSN Opinyon

Visayas at Mindanao na ang ruta

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYON pa lang lumalamig ang panahon. Sa Metro Manila, maginaw na rin tuwing madaling araw. Marami na naman ang nagpapainit muna ng tubig na panligo. Ang dapat na dinanas noong Disyembre ay tila ngayon lang nangyayari, patunay muli na nagbabago na nga ang ating klima. Sa Baguio, pati mga dayuhan ay masaya na rin dahil sa malamig na temperaturang tinatamasa ng lugar. Sa sobrang lamig nga, nagyeyelo na ang mga tanim na gulay sa mga bundok.

Pero iba ang kuwento sa Visayas at Mindanao. Kung noon ay wala namang nagaganap na masamang panahon sa mga rehiyong ito, lalo na sa mga buwang ito, ibang-iba na ngayon. Malakas na ulan at pagbabaha na parang kalagitnaan ng Setyembre hanggang Nobyembre. May mga namatay dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha bunsod ng low pressure area sa rehiyon. Ayon sa mga taga-Cateel, mas masama pa raw ang pag-ulan ngayon kaysa noong tumama ang bagyong Pablo, bagama’t mas handa na raw sila ngayon. Ganun pa man, tila pasama nang pasama na ang lagay ng panahon. Mga taga-Tacloban, hindi pa nga nakakabangon nang husto, nakatikim na naman ng malakas na pag-ulan.

Ang rehiyon ng Visayas ang pumalit na sa Bicol bilang “typhoon belt” ng bansa. Sa mga nakaraang taon, o deka-   da pa nga, kapag may bagyong parating ay naghahanda na ang Legaspi, Naga, Sorsogon at iba pang lugar dahil malamang ay sila ang tatahakin ng bagyo. At nakaranas ng mga malalakas na bagyo ang rehiyong ito. Ngayon, kung hindi paakyat ang mga bagyo patungong Cagayan at Batanes, Visayas at Mindanao na ang ruta. Ito na rin ang paliwanag kung bakit hindi handa ang Tacloban sa bagyong Yolanda. Hindi sila sanay na tinatamaan ng malakas na bagyo.

Wala tayong magagawa sa pagbabago ng klima. Nagawa na ang danyos dahil na rin sa pagiging pabaya nating lahat. Ang puwede na lang gawin ay paghandaang mabuti ang mga kalamidad tulad nito. At mas magagawa iyan kung maunlad ang rehiyon. Kung mapayapa ang rehiyon. Mga bagay na hanggang ngayon ay mailap pa rin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

AYON

BATANES

BICOL

MINDANAO

NGAYON

SA BAGUIO

SA METRO MANILA

TACLOBAN

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with