Relihiyosong Cabinet member may iginaraheng chiching

ALAM n’yo bang may itinatago palang lihim ang isang Cabinet member ni President Noynoy Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mary Lee Macalma ng TV5, Wyden King, Epifanio Baxa, Bro. Leonard Banago, Bro. Michael Dullas, Kristofer Gene Adalin Salinas at Lola Rosa Varias, 99 years old ngayon.

 Alam niyo bang sa kabila ng pagiging relihiyoso ng isang Cabinet secretary ay meron pala itong illicit affair sa isang magandang chiching.

 Ang kanyang chiching ay iginarahe sa isang condominium at pinapasyalan halos every other day. Ang tulis mo Mr. Secretary. Alam ba ni misis ito?

Ayon pa sa aking bubwit, dahil nakaw na pag-ibig ang relasyon ni Secretary sa kanyang chiching, nakaw na sandali din ang carnal knowledge affair nila. Kaya ang bansag ngayon ng bodyguards kay Sir ay si Mr. Secretary Itik.

Salbahe ang mga bodyguard na ito, inirereport din pala sa kanilang mother unit sa AFP ang mga ginagawa ng kanilang mga bossing na VIP sa gobyerno.

Ayon sa aking bubwit, ang Cabinet member na lay leader sa simbahan pero may iginaraheng chiching ay si Mr. Secretary A. as in Anting-anting.

Show comments