MAMAYANG hatinggabi gugunitain na naman nating mga Pilipino ang nakagawiang maingay na pagsalubong sa Bagong Taon 2014. Siyempre tradisyon na sa ating mga Pinoy na gumastos sa firecrackers kahit na mahigpit ang kampanya ng Philippine National Police, itoy upang mapalayas ang malas na dinanas sa 2013. Ngunit ang masakit hindi lamang firecrackers ang nakagawian na ng ilan nating kababayan dahil pagkakataon na naman ito ng mga hambog para magpaputok ng kanilang mga baril. Kaya ang resulta may mga inosenteng kababayan na nagsasaya lang na tinatamaan. Sa totoo lang mga suki, hanggang sa ngayon labis parin ang pangungulila ng pamilyang Ella sa Barangay Tala, Caloocan City, dahil hanggang sa ngayon hindi pa nila nakakamit ang tunay na hustiya sa pagkamatay ni Stephanie Nicole Ella, 7 yrs old na tinamaan ng bala sa ulo habang nagsasaya ang mag-ama sa panonood ng putukan ng firecrackers at pailaw sa labas ng kanilang tahanan.
Hanggang press release lamang ang naging aksyon ng PNP sa sinapit ni Nicole Ella at nabaon na sa limot ang sinapit nito. Ngunit naging hudyat naman ito upang higpitan ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang pagrelease ng permit to carry sa mga sibilyan na inalmahan ng ilang gun holder’s. Hehehe! Ngunit mula nang pairalin ito ni Purisima naging rampant ang pananalakay ng mga ri-ding in tandem sa Metro Manila at maging sa mga kanayunan. Kaya ang tanong sa ngayon ng mga responsibe gun owner kay Purisima, matutuldukan na kaya mamayang gabi ang pagpapaputok ng baril? Kasi nga sa kasalukuyan ilang araw bago sumapit ang Bagong Taon may limang tao na ang naitatalang tinamaan ng stray bullet kaya labis ang pag-aalala ng sambayanan.
Kaya ang aking payo mga kababayan iwasan po na-ting magpaputok ng firecrackers upang madaling makilala ang mga nagpapaputok ng baril, magmatyag po tayo sa ating kapaligiran at kung mayroon mang magpapaputok ng baril ay agad na kilalalanin at ireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulisiya nang mahuli ang mga ito at mapanagot sa batas. Huwag na tayong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa ating kapaligiran. Marami nang trahedtang nangyari sa bansa: Zamboanga Siege, lindol sa Buhol at Cebu, ang pagkamatay ng mahigit sa 6, 155 tao sa Leyte, Cebu, Palawan at Panay Island matapos manalasa ang Typhoon Yolanda. Bagamat hindi pa nakababangon sa pagkalugmot ang mga nabanggit kong lalawigan ay pilit pa rin nilang pinaghahandaan ang pagsalubong sa 2014 upang maitaboy daw ang malas ng 2013. Mga suki kung makakati ang daliri n’yo sa pagkalabit ng gatilyo, mag-isip-isip kayo.
Ating salubungin ang 2014 na kumpleto ang pamilya. Happy New Year’s sa inyong lahat!