MAITIM ANG BUONG KATAWAN. Halos dikit na ang balat sa buto.
“Sa sobrang tigas ng katawan niya nagsara na ang kanyang mga kamay…†pagsasalarawan ni Haydie.
Nagbalik sa amin tanggapan si Haydie Surio, 45 anyos ng Admiral, Las Piñas City. Una na naming naitampok sa “CALVENTO FILES†sa radyo, “Hustisya Para Sa Lahat†ang sinapit ng asawa ni Haydie na si Eric Surio sa Riyadh, Saudi Arabia. Naisulat namin ito sa’ming pitak na may titulong, “Nasulasok sa usokâ€.
Si Eric ay halos dalawang dekada ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia. Isa siyang ‘Auto Mechanic’.
Mula ng magkakilala sila ni Haydie nung taong 1998 at ikasal dalawang taong makalipas, apat na beses pa lang silang nagkasama ng matagal ng asawa.
“Limang buwan na ang pinakamatagal niyang pamamalagi sa Pilipinas,†ayon kay Haydie.
Mula sa buwan-buwang padala ng asawa bigla na lang nahinto ang pagpapadala ni Eric at naputol ang kanilang komunikasyon nung taong 2007.
“Nagkaatraso raw siya sa isang kasamahan matapos niyang ‘di maitaya sa lottery ang mga numero. Jackpot pa naman sana,†ani Haydie.
Pasulput-supot ang naging tawag at padala nito. Hangang kasalukuyang taon, ika-4 ng Nobyembre… nakatanggap na lang ng tawag ang kapatid ni Eric na si Esther mula sa kasamahan nito sa trabaho, si “Bernieâ€.
Nagimbal ang pamilya Surio ng iparating sa kanila ni Bernie na nung ika-1 ng Setyembre 2013, nagkaroon ng sunog sa gusali kung saan tumutuloy si Eric at namatay ang Pinoy matapos masulasok sa usok (asphyxia by suffocation).
Dalawang buwan ng nasa ‘freezer’ sa morgue ng isang ospital ang katawan ni Eric at wala pang nagki- ‘claim’.
Ika-13 ng Nobyembre 2013, nagsadya sa aming tanggapan si Haydie at Esther para ilapit ang pagpapauwi ng bangkay ni Eric.
Pinarating namin kay Usec. Rafael Seguis ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) ang problemang ito ng pamilya Surio. Pinaliwanag ni Usec. na kaya natagalan ang pagpapauwi sa labi ni Eric dahil sa mga kasong tulad nito na hindi ‘Death by Natural Causes’. Nagkaroon ng sunog, ito’y idadaan sa imbestigasyon “Forensic Investigation†dahil ito’y maituturing na Medico Legal Case. Titiyaking hindi sinadya ang sunog (arson).
Ini-email namin ang mga impormasyong may kinalaman kay Eric at pinaabot kay Ambassador Ezzedin Tago, ng Riyadh.
Ilang araw pa lang ang nakararaan. Sinabi sa amin ni 3rd Secretary & Vice-Consul Winston Dean S. Almeda ng Philippine Embassy, Riyadh na mapapauwi na ang bangkay ika-22 ng Nobyembre. Kinumpirma naman ito sa amin ng pamilya ni Eric ng amin silang tawagan.
Matapos magkaroon ng maayos na libing si Eric, Dec. 6, 2013 nagbalik sa amin si Haydie at Esther. “Maraming salamat po sa inyo… napakabilis ng naging aksyon,†panimula ni Haydie.
Kwento ni Haydie, ika-21, 2013… isang nagpakilalang “Manuel†mula sa ating embahada sa Riyadh ang tumawag sa kanya.
“Kayo po ba asawa ni Eric? Iuuwi na po ang bangkay ng mister niyo bukas… maghanda na po kayo ng Funeral Service,†balita ni Manuel.
Agad naghanap ng Funeral Service si Haydie at naghanda sa pagdating ni Eric. Alas tres y medya ang tinakdang oras ng paglapag niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Terminal 1. Lulan ng Etihad, Cargo Airways.
Eksakto 4:00 ng iparating sa kanyang naibaba na ang katawan ni Eric sa eroplano. “Kailangan pang tignan ang mga dokumento ni Eric… alas sais ng gabi na din ng i-release ang bangkay niya,†kwento ni Haydie.
Dinertso si Eric sa Royalty Funeral Services, Moonwalk. Dito unang nasiliyan nila Haydie ang bangkay. Maitim… halos mabulok at sobrang tigas ang katawan. “Tinanong ko kung bakit nagkaganun? Sabi ng embalsamador nanigas na ang bangkay dahil dalawang buwang nasa freezer,†sabi ni Haydie.
Kinailangan pang painitan ang ang katawan ni Eric para muling lumambot at maturukang muli ng ‘formalin’.
Linggo na ng dalhin ang kanyang labi sa bahay nila Haydie sa Admiral kung saan siya binurol.
“Di makapaniwala ang panganay kong wala ang papa nila. Ang bunso ko, una’t huling beses siyang makita… nasa kabaong na siya,†wika ni Haydie.
Disyembre 2013, nilibing si Eric sa Golden Heaven, Las Pinas.
Sa pagtatanong ni Haydie sa sinapit ng asawa, nalaman niyang ang gusaling nasunog pala ang nirerentahan nila Eric at iba pang Pinoy Workers sa Riyadh.
Kuryente raw ang pinagmulan ng sunog. Nadamay ang katabing ‘gasoline station’ kaya’t nagkaroon ng pagsabog ng mangyari ang insidente.
Sa kopya ng Medical Report of the Deceased na dala ni Haydie. Pirmado ni Mohammad Ahmad Alam at sinagawa ni Dr. Adil Mohammed Omer ng King Saud Medical City nung ika-25 ng Oktubre, Result of Medical Examination: “…By conducting external medical examination, there was not found any visible injuries or any mark of violence or resistance. The dead body found as the dresses on the body covered with black smoke. The report of Civil Defense Dept. No. 2/2/11/33/284, Dated 26/10/1434H included that there is no criminal suspicion regarding his death. So the cause of death was identified as Cardio-Respiratory arrest as a result of suffocation due to fire incident.â€
Tiniyak na walang ‘foul play’ na nangyari kay Eric.
“Salamat po sa programa ninyo at sa DFA sa pagtulong sa pagpapauwi sa asawa ko. Malungkot dahil bangkay na siya ng makapaling namin pero masaya kami dahil nasilayan namin siya sa huling sandali,†pahayag ni Haydie.
Katanungan ng pamilya ni Eric kung may mga death benefits pa ba silang matatanggap sa nangyaring ito kay Eric. Itinampok namin sila Haydie sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, papaalam namin ito kay Usec. Seguis at kay Ambassador Ezzedin Tago, ng Riyadh, kung merong makukuha si Eric ay dapat ibigay naman sa kanyang pamilya. Alam naming mabigat ito dalhin ni Haydie ngayong Kapaskuhan subalit isipin mo na lang ang asawa mo ay nasa magandang lugar na kahit na naabo, siya’y maghuhugis anghel at makikita niya ang Panginoon. ‘Di niya kayo nilisan dahil nandyan siya sa inyong paligid na gumagabay at nilalapit kayo sa Maykapal para kayo’y pangalagaan at protektahan sa habang buhay. Kami nagdarasal na magkaroon kayo ng ‘inner peace’ para malagpasan niyo ang trahedyang ito. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038