AKO at buong pamilya Estrada ay nagpupugay sa ating mga sundalo sa pagdiriwang ng ika-78 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines ngayong araw na ito.
Sa kabila ng kakulangan sa kagamitan at pasilidad, limitadong suweldo at benepisyo at iba pa nilang problema, patuloy na nagpupursige ang mga sundalo sa pagseserbisyo sa bayan.
Saksi ang taumbayan sa sakripisyo ng mga sundalo sa pagtitiyak ng kapayapaan at katahimikan sa bansa, pagtataguyod ng mga pagawaing-bayan at pagresponde sa mga kalamidad, na napatunayan sa pag-ayuda sa mga nasalanta ni Yolanda.
Alam din natin ang dinaranas na lungkot at pag-aalala ng kanilang mga mahal sa buhay sa tuwing sila ay nawawalay upang tumugon sa tawag ng tungkulin, ano mang misyon ang kanilang harapin at saan mang lugar sila maitalaga.
Si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay maraming hakbangin sa mga sundalo at kanilang mga mahal sa buhay. Kabilang dito ang mga sumusunod: Senate Bill 744: AFP Retirement and Disability Benefits Upgrade Act; SB 749: Extended Deployment Pay Increase Act (Automatic pay increase to any member of the Armed Forces deployed away from the member’s permanent station or, in the case of a member of a reserve component of the armed forces, the member’s home of record, once the deployment period exceeds 180 days of continuous duty); SB 1077: Orphaned Minor Children of Soldiers (Educational benefits for the minor children of soldiers and policemen slain in the line of duty); SB 1379: Scholarship Grants to the Family Members of PNP, AFP, BFP, BJMP; SB 1420: AFP Modernization Act Trust Fund; at SB 1594: Victim’s Family Assistance Act of 2013 (Assistance to the immediate family of a soldier killed while performing duties).
Mabuhay ang mga sundalo!