ANG PAGTITIWALA natin sa mga taong hindi natin lubusang kilala ay parang sugal. Wala pa akong nakilala na sugarol na masasabi niya na nalamangan niya ang pasugalan dahil karamihan puros talunan.
“Nagpabenta yung kapatid ko ng truck sa ahente, ilang taon ang nagdaan wala silang balita kung ano na nangyari,†wika ni Lino.
Nakatira sa Iloilo ang kapatid ni Marcelino “Lino†Pastolero, 36 taong gulang, nakatira sa Makati City na si Nerissa Balajadia.
Binili nila ang isang ‘ten wheeler truck’ kay Rodolfo Domopoy sa halagang PHP240,000.
“Kargahan yun ng tubo. Nung nabili ng kapatid ko yan laging sira. Palyado ang makina at halos giba na. Hindi rin nila magamit kundi nila pina-ayos at ginastusan,†kwento ni Lino.
Taong 2007 nang magkasakit ang asawa ni Nerissa ng ‘Parkinson’s Disease’. Nangailangan ng pera pampagamot kaya naisip nilang ibenta ang truck.
Ang negosyo ni Rodolfo Domopoy ay ‘buy and sell’ kaya napagpasyahan ng kanyang kapatid na dito humingi ng tulong para makahanap ng bibili.
Ipinagkatiwala ni Nerissa ang truck kay Rodolfo.
Para mas maikwento ang naging kasunduan sa pagbebenta ng truck, nakapanayam namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) si Nerissa.
Kinumpirma niyang kay Rodolfo niya nabili ang truck na 1980’s pa ang modelo noong taong 2005. Isang Rio na ten wheeler, kargahan nila ng tubo.
“Madalas nakaparada lang ang truck. Parang naging paÂlamuti lang dahil laging may problema,†pahayag ni Nerissa.
Halagang Php 180,000.00 ipinabebenta ni Nerissa ang truck.
“Sabi ko bahala na siyang tumubo kung magkano ang gusto niya basta Php180,000 ang ibabalik niya sa amin,†kwento ni Nerissa.
Sumang-ayon naman daw si Rodolfo sa presyong gusto ni Nerissa.
“Mas madali akong makakahanap ng bibili dahil sa akin pa nakapangalan ang rehistro ng sasakyan,†sabi pa ni Rodolfo sa kanya.
Hawak ni Nerissa ang ‘Deed of Sale’ na ibinigay sa kanya ni Rodolfo nang bilhin niya ang truck.
Ilang buwan ang lumipas wala na umano silang balita tungkol sa ipinabentang truck. Sila na mismo ang lumapit at nagpunta sa bahay ni Rodolfo sa Dueñas, Iloilo upang itanong kung naibenta na ba ang nasabing sasakyan.
“Nang makausap namin nangako siya na ibibigay niya ang pera. Hinihintay lang daw magbayad ang bumili,†kwento ni Nerissa.
Ilang taon na ang lumipas hindi pa rin ibinibigay ni Rodolfo ang pera sa kanila. Napag-alaman din nilang taong 2008 pa nang mabenta nito ang truck.
Lumapit sina Nerissa sa barangay at dun ay pinagharap sila noong Marso 19, 2010. Gumawa ng ‘promissory note’ si Rodolfo. Nangako itong magbibigay ng labing-limang libong piso bilang paunang bayad.
Ilang buwan ang nagdaan, ni isang sentimo walang inaabot si Rodolfo kina Nerissa. Hindi na rin ito nakikipag-ugnayan sa kanila tungkol sa nasabing bentahan.
Ika-15 ng Marso 2012 nang ipa-blotter nina Nerissa si Rodolfo.
“Paulit-ulit lang ang sinasabi niya tuwing pupuntahan namin siya sa kanila. Mangangako tapos hindi naman tinutupad,†sabi ni Nerissa.
Agosto 17, 2012 nang maghain sila ng kasong ‘Estafa’ laban kay Rodolfo.
“Nagkaroon kami ng pagdinig pero hindi nagpakita si Rodolfo,†wika ni Nerissa.
Naglabas ng resolusyon si Asst. Provincial Prosecutor Jonacel Andarada-Marañon noong Abril 30, 2013. Ayon dito, nagpadala ng subpoena sa akusado upang dumalo sa ‘preliminary investigation’ para makapagsumite ng kontra-salaysay.
Tanging ang kinatawan lamang ni Rodolfo ang dumalo at hindi ito nagbigay ng kontra-salaysay na hinihingi sa kanya.
Ang Prosecutor na may hawak ng kaso ay nakita na mayroong ‘sufficient grounds’ na nilabag niya ang batas at nagkasala siya ng kasong Estafa under Art 315B.
Noong Agosto 8, 2013 nang maglabas ng ‘warrant of arrest’ laban kay Rodolfo, pirmado ito ni Assisting Judge Rene S. Hortillo. Itinakda ang piyansa sa labing anim na libong piso.
BILANG TULONG, ini-refer namin sila sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay PSSupt. Rudy Lacadin, Deputy Director for Operations upang matulungan silang i-serve ang warrant at hulihin ang akusado.
Kailangan lamang nilang dalhin ang kopya ng ‘warrant of arrest’ at larawan nitong si Rodolfo.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang deed of sale na hawak ni Nerissa ay patunay na naibenta na nitong si Rodolfo ang truck sa kanya. Kahit na nasa pangalan pa ni Rodolfo ang titulo hindi niya maaaring angkinin itong muli sapagkat merong pirmahan ng dokumento.
Simpleng bagay lamang sana ito ngunit napalaki dahil sa hindi pagbibigay ng napagkasunduang halaga gayung naibenta na niya. Kung ito’y ihahalintulad sa karne, ‘double dead’ na ito o ‘botcha’.
Sa salita ng ating mga kababayang Bisaya, ‘usa pa gani’ o isa pa nga. Binenta mo Rodolfo ang trak ng dalawang beses.
Ang takaw ng isang tao kapag karangyaan, pera o kapangyarihan ay dapat pinipigilan kundi nagiging siklab ito sa isang malaking pagsabog.
‘Moderate your greed and satisfy your want.’ Ang ibig sabihin niyan pigilan mo ang inyong pagkaswapang at kumuha lang ng sapat paa sa pangangailangan. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038