^

PSN Opinyon

Nagkatrapik sa party ni Mandela dahil kay Sarah

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NAKADAUPANG palad ko si Nelson Mandela ng ilang saglit noong siya ay dumalaw sa United Arab Emirates noong 1996 bilang state  guest ng Presidente ng UAE na si Sheikh Zayed bin Sultan al Nahyan. Bago ako pumasok sa state banquet hall ng palasyo ng Sheikh, ako at ang kapwa kong mga ambassador ay pumila para makamayan si Mandela. Noong ipinakilala na ako bilang ambassador ng Pilipinas, kaagad-agad tinanong ako ni Mandela: “How is President Fidel Ramos? He is a good friend of mine.” Siyempre ang sagot ko ay okay si President Ramos and I assured Mandela na ipararating ko kay FVR ang kanyang pangungumusta.

Ang katabi ni Mandela ay ang kanyang host na si    Sheikh Zayed. Nagkaroon ng bahagyang trapik sa pila dahil kinausap ko pa ang Sheikh tungkol kay Sarah Balabagan. Sinabi ko sa Sheikh na sana ay huwag niyang payagan na si Sarah ay mabitay dahil sa pagpatay niya sa kanyang employer na UAE national na nagtangkang gumahasa sa kanya. Sinabi ko pa na si Sarah ay 15 anyos lamang. Laman si Sarah ng mga pahayagan hindi lamang sa UAE kundi sa buong mundo kaya alam na alam ni Sheikh Zayed ang kaso.

Sinabi ko rin sa Sheikh na siguradong ikasasama ng imahe ng UAE sa buong mundo kapag hinayaan niya na mabitay ang isang menor de edad na babae. Tango lamang nang tango si Sheikh Zayed habang tina-translate sa kanya ang mga sinasabi ko. Umabot din ng limang minuto ang tagal ng pabulong-bulong ko kay Sheikh Zayed. Medyo nakakahiya nga kay Mandela at ang mga ambassador na nakapila sa likuran ko. Pero kung kailangang kapalan ang mukha para mailigtas ang sinumang OFW na nasa bingit ng kamatayan tulad ni Sarah Balabagan, we Ambassadors should do it anytime.

LAMAN

MANDELA

NELSON MANDELA

PRESIDENT FIDEL RAMOS

PRESIDENT RAMOS AND I

SARAH BALABAGAN

SHEIKH

SHEIKH ZAYED

SINABI

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with