PARAMI nang parami ang bumabatikos sa nahahalata umanong pag-“railroad†o pagmamadali at pagpipilit ng ilang opisyal ng administrayon na makapagsampa agad ng kaso kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) laban sa ilang mambabatas, partikular sa mga personalidad ng oposisyon.
Kasi nga naman, mismong ang Office of the Ombudsman ang nagpakita sa balita sa telebisyon ng isang trak daw ng ebidensiya at halos isang milyong pahina ng dokumento hinggil sa nasabing usapin. Imposibleng nabasa, nasuri at napag-aralan nang husto ng Ombudsman ang mga ito sa loob lang ng dalawang buwan.
Ayon nga kay Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, “Ipinakita pa nila sa TV yung truckloads of evidence, it’s less than a million pages. How can they read a million pages in two months?â€
Noon pa mang unang pinaputok ng administrasyon ang tinaguriang PDAF scam at kahit hanggang ngayon ay naninindigan si Jinggoy na handa siyang harapin ang isyung ito sa tamang panahon at tamang forum.
Noong nagtungo siya sa Amerika para ikonsulta ang medical condition ng kanyang maybahay ay biglang nag-iingay ang mga naninira at nagpakalat ng intriga ang mga ito na baka raw hindi na siya babalik sa bansa. Pero muli niyang pinatunayan ang kanyang sinseridad at pagkakaroon ng “isang salita†nang bumalik siya ng Pilipinas sa takdang petsa at agad pang nagtungo sa Ormoc, Leyte at nagsagawa ng relief operations doon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Ang mga kritikong nag-iingay ay bilang tumiklop lahat pero hindi inamin at lalong hindi na itinuwid ang ginawa nilang paninira.
Binigyang-diin ni Jinggoy na hindi siya nagnakaw sa pondo ng bayan. Basta aniya maging patas lang ang imbestigasyon – walang hokus-pokus, walang intrigahan, walang paninira, walang brasuhan, at walang railroading – ay tiyak na lalabas ang katotohanan at mapatutunayan niya na pawang kasinungalingan ang mga ibiniÂbintang sa kanya.