DINUROG ang Leyte at mga kalapit na lalawigan sa Eastern Visayas ng bagyong Yolanda. Maraming taon siguro ang bibilangin bago tuluyang maibangon ang kabuhayan ng rehiyon. Ngunit sa pagtutulungan ng pribado at publikong sektor, posibleng mapabibilis ang pagbangon. Nagbabayanihan ngayon ang pamahalaan at pribadong sektor at umaasiste na rin ang ibang bansa para tulungan ang mga kawawa nating kababayan. Nawa’y magpatuloy ito sa ibang larangan gaya ng kabuhayan.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang pagtulungang ito ay nangyayari na kahit walang malubhang kalamidad. “Public-private partnership†ang tawag dito na ginagawa sa iba’t-ibang lawak, laki, antas at sector. Kabuhayan ang problema ngayon sa mga lugar na dinurog ng bagyo kaya ito ang solusyon.
Kabilang sa mga programang bunga ng partnership na ito ay ang mga kooperatiba sa Capiz at Davao del Norte, isang magmamangga sa Pangasinan at isang religious organization sa Tagum City.
Ang P1.3 milyon mula sa High Value Crops DeÂveÂlopment Program (HVCDP) para sa Handmaids of the Christ the King o Ancillae Christi Regis (ACR) sisters ay nakatulong sa pagbili ng mga makabagong kagamitan na ngayo’y nakagagawa ng 20,000 mangosteen capsule kada linggo mula sa dating 2,000 libo lamang sa mano-manong pamamaraan.
Natulungan din ang isang magtatanim ng mangga na si Lito Arenas Pangasinan na nakautang sa Agricultural Competitiveness Enhancement Fund ng DA at iba pang institusyon, at nabigyan ng drying machines mula sa Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization at Bureau of Agricultural Research at extended hot treatment facility mula sa HVCDP, at sumailalim sa pagsasanay ng DA sa makaÂbagong teknolohiya.
Ngayon ay isa nang supplier ng sariwang mangga sa Zest-O Corporation, KLT Fruits, Hi-Las Marketing, at iba pa si Mr. Arenas.
Ilang success stories lang ito na puwedeng mangyari kahit sa mga lugar na malubhang sinalanta ng kalamidad at sana’y maging inspirasyon ito lalu na sa mga biktima na laging may pag-asang naghihintay gaano man kalaking kapighatian ang dinanas natin.