‘Tulungan ang mga taga-Capiz’
“NASAAN ang tulong ng pamahalaan!†Iyan ang tanong ng mga kababayang nasa shoreline ng Panay, Pontevedra, Lutodlutod (President Roxas) at Pilar at Capiz. Hindi sila napupukulan ng tulong mula sa pamahalaan ni Noynoy Aquino. Bukod sa walang koryente at communication, walang ayuda na pamatid gutom silang natatanggap. Kasi natuon lahat ang tulong sa Leyte na libo-libo ang namatay. Maging kay DILG sec. Mar Roxas na haligi ng Capiz ay tila katiting lamang ang pansin na nadama ng mga apektado ni Yolanda. Sa mga barangay ng Butacal, Bantigue, Bungcayao, Nabitas, Lat-asan, Hamol-awon, Pawa, at Tungo, Panay, Capiz wala na halos makitang kabahayan na nakatayo matapos na hampasin nang malakas na hangin at pagsargo ng storm surge. Dito rin ninyo makikita na maging ang mga bangka at lambat ng mga mamamayan ay nagkabali-bali at nagkadurog-durog sa lakas ng paghambalos ng alon at hangin.
Wala na silang panghanapbuhay, wala pang maisaing dahil sa kawala ng pera matapos anurin at pulbusin ang kanilang mga kabuhayan kasana riyan ang kanilang mga kabayahan ng may 10 feet na storm surge. Naitala rin ang siyam na patay sa Sitio Baybay, Na-urok, Barangay Bantigue, Panay, Capiz at ang hinala ko marami pa ang hindi nakikita dahil nga sa walang ayuda ang NDRRMC. Sa Ponteverda naman malaki rin ang pinsala ni Yolanda sa mga barangay ng Amiligan, Tabuc, Tico, Ilaya, Ilawod, Takas, Sulo, Manapao, Agbanog, Malag-it, na nalubog sa baha at ang Bailan, Rizal, Espiranza, Hipona at Lantangan ay hinagupit ng buhawi. Ang Lutodluto at Pilar, Capiz naman ay tinamaan at hinagupit ng storm surge at baha sa tantiya ng aking mga kausap umaabot sa 320 kilometer per hours ang daluyong ng hangin.
Ngunit hanggang ngayon walang opisyales ng pamahalaan ang nagtungo sa kanilang lugar. Mayroon din naman palang natanggap ang mga taga-Bantigue na 10 sako ng bigas na ibinaba ng military chopper noong Lunes ng Umaga, ngunit hanggang doon na lamang ba? Kaya ang aking panawagan sa mga non-government organization, manyaring ayudahan natin sila nang maibsan ang kanilang poot sa pamahalaan. Kasi nga kung patuloy na kumakalam ang kanilang sikmura sa gutom at panginginig ng katawan sa lamig na dinaranas tiyak na malilihis sila ng landas. Ang pag-asang inaasam nila ay mapukulan lamang sila ng kahit na katiting na pansin upang makita ng pamahalaan ang tunay nilang kalagayan. Kaya ako’y nanawagan sa inyo mga suki, tulungan natin sila. Abangan!
- Latest