ALAM n’yo bang may tatlong opisyal sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na binansagang Trio Los Panchos? At ang tatlong ito ay mahilig manghingi ng pang-Jollibee sa contractors at suppliers?
Ayon sa aking bubÂwit, happy birthday muna kay Dr. Martin Camara ng Intercare, Dr. Gilbert Gumboc, Dra. Kiteen Almazan, Konsehal Edwin Lucas, Coach Caloy Garcia, Annie Reforsado, Kashie Ayiesha Chua at Florencio Rosales Sr.
Alam n’yo bang ma-tindi palang mangikil sa contractors at suppliers ang tatlong DOTC officials na namamahala sa Light Rail Transit Administration (LRTA)?
Ayon sa aking bubÂwit, nang manungkulan sa LRTA ang Trio Los Panchos, ang una nilang ginawa ay ipinatigil lahat ang mga kontrata. Ito ay para umano sa pagreview sa mga kontrata su-balit ito ay isa palang paraan para makilala ang contractors.
Nang makilala ang contractors, hiningan ang mga ito ng 10 percent batay sa value ng kontrata. Ito raw ang pang-Jollibee.
Bukod sa contractors ay naging biktima rin nila ang existing suppliers na may collectibles. Ipinatigil ang pagbabayad sa kanila hanggang sa mapilitan silang makipag-usap sa nasabing grupo.
Ayon sa aking bub-wit, nang makausap ang suppliers, tinanong kung sino ang kanilang binibigyan ng “gratuitiesâ€. Pagkatapos sila ay sinabihan na tumigil na sa pagbibigay ng anumang halaga subaÂlit dapat ito ay ibigay na lamang sa kanila.
Upang makabawi at kumita ang contractors at suppliers ng mga spare parts ng mga tren sa LRT, kadalasan ay substandard na ang mga piyesang idinedeliver. Ito umano ang dahilan kaya hindi maganda ang maintenance at madalas tumirik ngayon ang mga tren ng LRT.
Ayon sa aking bubÂwit, ang binansagang Trio Los Panchos sa LRTA ay sina ... sila ay mga kababayan ni DOTC Sec. Jun Abaya mula sa Cavite at ang isa rito ay kaklase pa niya.
Sila ay sina Head Executive Asst. C. as in Collector; Exec. Asst. R. as in Riles at si Classmate J. as in Jollibee.