AYON sa pinakabagong survey ng SWS, ang mga jobless ngayon ay umabot na ng 12 milyon. Grabe ito. Ang pangkalahatang population ng Singapore ngayon ay 4 milyon lamang. Pero dito sa Pilipinas 12 milyon pa lang ay jobless na. Maliban sa 12 milyon na jobless, 18 milyon ay underemployed, at 10 milyon ay napipilitang iniiwan ang mga mahal sa buhay sa Pilipinas upang maghanapbuhay sa ibayong dagat. Bakit nagkaganito ang ating bansa? Sino ang dapat sisihin sa naging lugmok nating kalagayan? Wala akong maisipang ibang ituro kundi ang ating mga political parties at mga politiko. Ang Pilipinas ay 114 years old na bilang republika. Bilang isang republika, mayroon tayong mga political parties na ang mga pangunahing adhikain ay “to build a strong nationâ€. Ang Nacionalista Party ay 100 years old na. Ano ba ang na “build†nito? Ang Liberal Party naman ay 60 years old na. Ano din ba ang na “build†nito? At yung iba pang mga partido tulad ng KBL, NPC, PMP, Laban, Lakas at PDP. Ano ba ang na “build†nila. Maliwanag na wala, dahil kung may na build silang strong nation, katulad ng Singapore o Thailand o Japan ay di sana ay wala tayong 12 milyon na jobless ngayon, 18 milyon na underemployed at 10 milyon na mga OFWs.
Ang political parties at mga politiko natin ay walang mga magkaibang mga ideolohiya o paninindigan. Pare-pareho lang ang mga hangarin nila: ang kumita ng pera sa pamamagitan ng corruption. Political butterflies ang tawag sa kanila. Pero dapat ito pa ang ibansag sa kanila: “Mga bampira ng katiwalianâ€. Money is the lifeblood of the economy at oceans na of lifeblood ang nahigop ng mga bampirang ito sa kaban ng Inangbayan sa loob ng 114 years. Kaya ang tawag sa Pilipinas ay the “Sick man of Asia.â€