Mt. Apo nasusunog!
NANAWAGAN si Philip ‘Sonny’ Dizon, may-ari ng ilang eco-tourism facilities and resorts dito sa Davao City at karatig lalawigan ng Davao del Sur, sa laganap na sunog sa kabundukan ng Mt. Apo.
Nakikita ni Dizon ang mga patuloy na nasusunog na bahagi ng Mt. Apo dahil parati rin siyang pumupunta sa kanyang Mt. Apo Highland Resort sa Barangay Kapatagan, Digos City na bahagi rin ng paanan ng Mt. Apo.
Makikita ang tuktok ng Mt. Apo sa resort ni Dizon at matunghayan ito na parang humahalik sa reflection nito sa Lake Mirror sa loob ng Mt. Apo Highland Resorts.
Napakagandang tanawin sana ang Mt. Apo, na highest peak sa bansa na umabot 9,692 ft. above sea level., ngunit nasisira lang sa mga magsasakang patuloy na gumagawa ng kaingin o “slash and burn†sa gilid ng bundok.
Kung hindi man kaingin, may ibang grupo rin ang pihong nananadyang sunugin ang Mt. Apo.
Dapat kumilos ang Department of Environment and Natural Resources sa nangyayaring panununog sa Mt. Apo dahil malaking kawalan ito sa conservation efforts sa ating bansa.
Ang Mt. Apo ay tinatayang “center of endemism†sa Mindanao dahil nga ito ay may isa sa may pinakamataas na land-based biological diversity in terms of flora and fauna per unit area. May tatlo rin itong distinct forest formations, may lowland tropical rainforest, mid-mountain forests at ang mga tinatawag na high mountain forests.
Kaya nga tinutulak ng DENR ang paka-pasok sana ng Mt. Apo sa UNESCO World Heritage list.
Ang Mt. Apo ay may higit 272 bird species, 111 ay tinatawag na endemic sa area.
At sa Mt. Apo namumugad ang isa sa world’s largest eagles, the critically-endangered Philippine Eagle, na ngayon ay ang ating pambansang ibon.
Kung patuloy na sinusunog ang mga bahagi ng Mt. Apo ano na ang mangyayari sa conservation efforts na tiyak mababawasan ang bilang ng mga endemic species sa lugar?
DENR Secretary Ramon Paje at iba pang mga concerned agencies, kumilos na bago tuluyang makalbo ang Mt. Apo!
- Latest