NANANATILING isa sa mga pangunahing usapin sa buong mundo ang food security, at maraming bansa ang nakararanas ng matinding kasalatan sa pagkain at nutrisyon. Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), umaabot sa 842 milyong katao sa buong mundo ang “chronically undernourished.â€
Ang Pilipinas ay may malaking problema rin sa seguridad sa pagkain. Maraming kababayan ang hindi nakakakain nang sapat laluna’t patuloy ang pagtaas ng presyo nito partikular ang bigas. Base sa 2013 Global Hunger Index (GHI) ng International Food Policy Research Institute (FPRI), 17 porsiyento ng mga Pilipino ay undernourished at nasa kategoryang “serious†ang hunger situation sa bansa.
Noong Oktubre 16 ay ginunita ang World Food Day (WFD) na may temang “Sustainable Food Systems for Food Security and Nutrition.†Ayon sa FAO, kailangang paigtingin ang mga hakbangin upang tiyakin ang sapat na pagkain at nutrisyon sa buong daigdig.
Kaugnay nito ay napagkuwentuhan namin ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang kanyang adbokasiya para sa pambansang seguridad sa pagkain. Ilan sa mga panukala niya para rito ay ang:
Senate Bill (SB) 1599: National Agricultural Marketing Act of 2013 (An Act to Promote the Agriculture Industry, Stabilize Prices of Agricultural Products and Enhance Food Security through the Effective Production, Proces-sing, Marketing and Distribution of Agricultural Products); SB 895: Agriculture and Fisheries Extension Act of 2013 (Strengthening of the National Extension System to Accelerate Agriculture and Fisheries Development).
SB 766: Agriculture Education Act of 2013 (Establishing a National System of Agriculture Education Institutions).
SB 745: Agriculture Technology Generation and Transfer Act of 2013 (Integrated System for Agriculture Technology Generation and Transfer).
Ayon kay Jinggoy, upang matamo ang food security ay kailangang ipursige ang modernisasyon at pagpapalakas ng agrikultura, at mahalaga aniya para rito ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng edukasyong pang-agrikultura, research and development, teknolohiya, credit para sa mga magsasaka at mga kaukulang pasilidad tulad ng farm-to-market roads at iba pa.