^

PSN Opinyon

Paghahanda pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NASA 150 na ang mga namatay sa lindol sa Bohol at marami pang hinahanap. Maraming tulay at kalsada ang hindi na ligtas daanan. Maraming gusali ang nagkabitak-bitak at inaalam pa kung ligtas pasukan ng tao. Abala ang mga inhinyero sa kaiinspeksyon ng mga tulay, gusali at bahay. Pero ang labis na nakalulungkot ay ang pagguho ng mga lumang simbahan sa Bohol at Cebu, na hindi pa malaman kung maibabalik pa sa dating anyo. Siyempre, hindi na maibabalik katulad ng dati. Dahil luma ang mga disenyo ng mga nasabing simbahan, walang laban sa malakas na lindol.

Naganap ang lindol sa tinatawag na East Bohol fault line. Pero marami pang mga fault line sa ating bansa, dahil bahagi ang Pilipinas sa tinatawag na “Pacific Rim of Fire”. Bukod sa mga fault line, marami rin tayong mga bulkan. Sa madaling salita, hindi sekreto na ang ating bansa ay nakapatong sa isang hindi matatag na lupain. Pero wala naman tayong magagawa diyan.

Ang dapat gawin, ay paghandaan ang isang natural na kalamidad tulad ng lindol. Ayon sa mga arkitekto, kapag nagtatayo ng mga bagong gusali, tulay o bahay, kasama na dapat dito ang mga bagong disenyo para maging matatag sa oras na tumama ang ilang klaseng lindol. May lindol na kahit na gaanong katibay na gusali ay babagsak pa rin. Sana hindi tayo tamaan ng ganyang klaseng lindol.

Sa Japan, halos araw-araw ay nakararanas ng pagyanig ng lupa. Lahat ng kanilang imprastraktura ay ginawa para maging matatag sa isag lindol. Siyempre, may mga lindol na wala talagang magagawa na ang tao. Pero dahil alam nilang nakatayo sila sa hindi matatag na lupain, hinanda na nila ang kanilang sarili. Pati ang kanilang mamamayan ay laging nagsasanay para sa lindol. Mahalaga iyon.

 

Dapat matuto nang husto ang lahat sa nangyari sa Kabisayaan at Mindanao. Kung tila gumanda na ang kahandaan sa bagyo at baha, kailangan ganundin para sa lindol. Sa katunayan, dapat mas handa para sa lindol dahil walang nakakaalam kung kailan tatama. Walang babala, walang senyales, wala lahat. Matataranta ka na lang kapag niyayanig na ang kinatatayuan mo. Ito ang kailangan daw iwasan, ang mataranta. Kailangan buo ang loob, at alam ang gagawin. Dapat palawakin pa ng gobyerno ang pagkalat ng mga mahalagang impormasyon kung ano ang mga dapat gawin sa oras na lumindol.

BOHOL

DAPAT

EAST BOHOL

LINDOL

MARAMING

PACIFIC RIM OF FIRE

PERO

SA JAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with