^

PSN Opinyon

Fatman vs Robin

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY bagong binubuong pelikula na pagtatambalan nina Robin Padilla at Senate President Franklin Drilon. Ang pamagat: FATMAN and ROBIN.

Ang balita ko isasabay ito sa showing ng MEN OF STEAL from the planet KLEPTON.

Pero sa pelikulang ito, hindi sila magkakampi tulad nina Batman and Robin. Sila ay magkalaban.

Ang problema, kulang pa sa mga karakter ang pelikula. Hindi raw makumbinsi si Senador Arroyo na gumanap bilang JOKER. Mataas din daw ang talent fee na hinihingi ni Sen. Miriam para gumanap na CATWOMAN.

Okay, sumeryoso na tayo. Sa kanyang Instagram, binira ni Binoe si Drilon matapos umamin ang senador na kabilang siya sa mga mambabatas sa Senado na tumanggap ng P10 milyon  kasunod ng pagkakapatalsik kay Renato Corona. Iginigiit kasi ng mga Senador na hindi nila ibinulsa o dinala sa mga pekeng NGO ang salaping yon kundi ginastos sa mga mahahalagang proyekto para sa taumbayan.

Pero hindi kumbinsido ang “bad boy” ng Philippine movies. Ang hamon ng aktor kay Drilon: “Magbitiw ka na.” Naglagay pa raw ng larawan si Binoe ng isang baboy at ang inilagay na mukha dito ay sa Senador.

Ano ba iyan?! Masyado nang iniinsulto ang mga baboy! Galit na galit na ang alaga kong si Brat Pig. Ang sabi niya – ang problema sa mga gahamang politiko ay “they give a bad name to corruption”  at pati silang mga baboy ay nadadamay. Ha? Ganun ba? Corrupt na nga lalo pang pinaku-corrupt?

Marami ang nagsasabing illegal ang tinatawag na “Disbursement Acceleration Program” (DAP)  na tawag sa  pondong pinamudmod bilang dagdag na “pork barrel” sa mga mambabatas.

Kasama na riyan ang kilalang constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas  na nagsabing walang autoridad ang Pangulo na tinagin ang savings ng ibang ahensya ng pamahalaan na sinasabing pinagmulan ng DAP.

Si Bernas ay kasama sa mga umakda ng Konstitusyon at kung hindi siya paniniwalaan, sino pa sa lipunan natin ang dapat nating paniwalaan?

vuukle comment

BATMAN AND ROBIN

BRAT PIG

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

DRILON

JOAQUIN BERNAS

PERO

RENATO CORONA

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with