NAPAG-USAPAN namin ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang panibago na namang pang-aabuso sa mga Pilipinang domestic helper o household service worker sa Kuwait. Ang mga biktima ay itinago sa alyas na “Teresa†at “Mely.â€
Si Teresa, 40, ay mula Davao City at may dalawang anak. Namasukan siyang DH sa isang pamilyang Kuwaiti sa bayan ng Jahra. Aniya, nagkaroon siya nang mapait na karanasan sa kamay ng ama ng pamilya gayundin sa tatlong lalaking anak nito.
Pebrero 2, 2012 umano nang unang naganap ang pambibiktima sa kanya. Namamalantsa umano siya noon nang nilapitan siya ng ama ng Kuwaiti family na nakatapis lang ng tuwalya at tinangka siyang abusuhin.
Pagkaraan ng ilang araw, hinalay naman siya ng isa sa mga anak nito at sinampal pa siya nang malakas sa bahagi ng tainga na nagresulta sa pagkapinsala ng kanyang pandinig.
Ang ikalawa naman sa magkakapatid ay sinuntok siya nang malakas sa tiyan at hinalay din siya.
Ang ikatlo ay kinaladkad siya papasok sa kuwarto nito at hinalay din.
Nailigtas siya ng mga opisyal ng Philippine Embassy noong Disyembre.
Si Mely ay namasukan ding DH sa isang pamilyang Kuwaiti sa Mishref district noong 2012. Apat na beses umano siyang hinalay ng kanyang amo noong Oktubre 2012. Tumakas siya at humingi ng tulong sa Philippine Embassy noong Nobyembre.
Sa nakaraan kong kolum, inilahad ko ang sinapit ng 27-anyos na taga-T’Boli, South Cotabato na hinalay at pinagsasaksak pa ng isang Kuwaiti police.
Ayon sa mga kababayan sa Kuwait, napakarami na ng mga insidente ng pag-abuso sa mga Pinay DH sa naturang bansa. Sinabi ni Jinggoy na sa abot ng kanyang makakaya ay gagawa siya ng kaukulang hakbang hinggil sa naturang usapin.