HINDI maaring magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Mindanao kapag hindi isinali sa usapan si MNLF Chairman Nur Misuari. Si Adviser on the Peace Process Teresita Deles ay tila nakalimutan ang recent history tungkol sa gulo sa Mindanao. Noong 1996, mga dalawang taon bago magtapos ang kanyang panguluhan, inapura ni President Fidel V. Ramos na magkaroon ng peace settlement kay Nur Misuari ng MNLF. Sa pagmamadali ni FVR, tila nakaligtaan niyang isali sa usapin si Hashim Salamat ng MILF. Bagamat maraming supporters si Misuari sa Gitnang Silangan, hindi naman matawaran ang bilang ng mga prominente at mayayamang mga kaibigan si Hashim Salamat roon. Kaya nagpatuloy ang daloy ng mga cash donation kay Hashim Salamat “in the name of Muslim brotherhood and in the propagation of Islam†in Mindanao. Kaya lumago ang puwersa ng MILF at nagpatuloy ang rebellion doon.
Ngayon naman, history is clearly repeating itself and Deles seems to be unaware of it. Si Misuari naman ngayon ang naiitsapwera, at dahil marami pa rin namang tao sa Gitnang Silangan ang naniniwala kay Misuari, tuloy-tuloy pa rin ang daloy ng mga cash donation sa kanya also “in the name of Muslim brotherhood and the propagation of Islam†in Mindanao.
Ambassador ako noong 1996 sa UAE, kaya ako ang umaktong mediator between Misuari at ang Executive Secretary ni FVR noon na si Ruben Torres na nagpangita sa Dubai. Inaamin ko hilaw na hilaw ang naging peace settlement ni FVR kay Misuari dahil hindi naisama si Hashim Salamat. Kaya sana aminin din ni Deles na hilaw na hilaw ang nailuto niyang peace settlement with the MILF dahil hindi isinama ang MNLF. Hinarap ni Deles ang mga leader ng MILF kay P-Noy pero ni minsan hindi niya ginawa ito sa mga leader ng MNLF.