ANG OFW Family Party-list ay nakalikom ng 750k votes noong nakaraang halalan at ito ay ipinagkalooban ng Comelec ng two seats sa Kongreso. Ang full name ng party-list ay “OFW Family Club Inc.†at naka-register sa SEC noong June 15, 2001. Ito ay isang non-profit na NGO at ang founders, incorporators at members of the Board of Trustees ay buong pamilya ko na sina Mrs. Minnie, mga anak na sina Jay Thomas, Christian, Roy Jr., Hannah, Hazel at Christopher. Hindi kami naglakas loob na umimbita pa ng iba dahil hindi naman pangnegosyo ang OFWFC. Puro sakripisyo at kawanggawa lang ang ginagawa namin para sa mga inaaping OFWs at pamilya.
Bagama’t wala na ako sa diplomatic service noong 2001, nagpasya ang buong pamilya na gawin ang nakagawian naming lahat noong ako pa ang Labor Attache sa UAE (1983-89) at Ambassador (1994-1998) na kumupkop, umaruga at kumalinga ng distressed OFWs.
Sa tulong ng OFWs at pamilya at Poong Maykapal, nanalo ang OFWFC. At ngayon ay may mga bumabatikos na “political dynasty†na kami. Noong puro kawanggawa lang kami, wala namang usaping ganito. Mayroon ding iba na naturingan lang na 5th nominee ay nagde-demand na na dapat lahat na gagawin ng OFWFC ay i-clear muna sa kanya.
Ang mamang ito ay hindi man lang nakatuntong sa Headquarters ng OFWFC sa Taft Ave., Pasay City sa tanang buhay niya. Bagama’t nailista siyang member ng Executive Council, hanggang listahan lang iyon dahil wala namang formal appointment na nai-issue sa kanya. Naging seaman ang mama at ako ay nagmagandang-loob na gawin siyang 5th nominee. Kahit sa class elections kapag na-nominate ka at hindi nanalo, perdido ka na. Pobre espiritu ang tawag ko sa mga ganitong nilalang.