^

PSN Opinyon

2 mensahe kay PSN columnist Jarius Bondoc

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Mabuhay ka Mr. Jarius Bondoc. Ako’y humahanga sa iyong katapangan at sa pagmamahal sa ating kalikasan. Sinusundan ko ang isyung ito magmula ng una mo pong naisulat at natutuwa po ako na nagkakaroon ng paggalaw ang mga kinauukulan. Sana po ay tuloy tuloy na at hindi ningas kugon lamang.

Tama lang na masupil na ang ginagawa ng mga mapag­samantalang Chinese sa ating bansa. Bukod sa Pilipinas, ganyan din ang ginagawa ng Chinese sa mga kalapit bansang mahihirap at mahihina tulad ng Vietnam, Myanmar, Cambodia, Bangladesh at iba pa. Hinihigop ng China ang mga natural na yaman ng bansa para sa sarili nilang interes at pagkatapos ay walang anumang lilisan na lamang.

Maraming beses na nating natunghayan ang masamang epekto ng mga walang pakundangang pagmimina. Ang mga trahedya ay paulit-ulit na nangyayari dahil sa pagkasira ng kapaligiran. Kaawa-awa ang mga mahihirap nating kababayan na apektado sa mga napinsalang lugar.

Nangyari ang ganito dahil sa kapabayaan at pagka­gahaman sa pera ng ating mga lider pulitiko na nagpahintulot sa mga ganitong baluktot na gawain. Nawa ay magising na ang mga lider ng ating bansa upang ganap na maglaho ang mga mga buwitreng nagsasamantala.

 Sana po Mr. Bondoc ay huwag kang titigil sa iyong krusada para sa kapakanan ng ating kalikasan at Inang Bayan. Marami pong salamat at Mabuhay ang Pilipinas. –RIZALDY DIOLA, [email protected]

* * *

Mr. Jarius Bondoc, I just want to thank you for airing the Zambales grievances regading small scale mining. Sala­mat sa Supreme Court. Siguro po ito na ang daan para hindi lumubog ang Sta Cruz.

Ako po ay taga-Barrio Potipot, Uacon. Maganda po ang lugar namin. Lagi kaming nakakakita roon ng mga barko ng Instik. Alam namin na ito ay nagmimina roon.  Sana naman maisip ng mga may katungkulan na tao ang mga nakatira sa Sta. Cruz.  Kung hindi matitigil ito malamang na lumubog ang Sta. Cruz, at di malayong pati lugar namin ay madamay. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyo at sa Supreme Court. Sana ay gawin nang final na hindi puwedeng  magmina rito. 

Let us love our natural resources. Bakit natin ibibigay sa Intsik ito para gamitin sa pagbomba sa bansa natin? Governor Ebdane gumising ka naman malapit lang ang bahay mo rito.  Baka pati ang mansion mo ay madamay din. Salamat po. —REBECCA FEDALIZO BUSTAMANTE, Uacon, Candelaria, Zambales

 

vuukle comment

BARRIO POTIPOT

CRUZ

GOVERNOR EBDANE

INANG BAYAN

MR. JARIUS BONDOC

SANA

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with