^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Makakapal’ ang mukha ng tax evaders

Pilipino Star Ngayon

NANG mag-SONA si President Aquino noong Hulyo 22, sinabi niya sa mga taga-Bureau of Customs, “Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?” Ngayon, puwedeng hiramin ang mga pananalitang ito para ipatungkol naman sa mga nandadaya o hindi nagbabayad ng tamang buwis. Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang tax evaders? Talagang sobrang kapal ng mukha na mga mandaraya sapagkat napakarami nilang kinikita pero kapiranggot lang ang ibinabayad na buwis. Yung iba, talagang hindi na nagbabayad. Kapal talaga!

Kaya tama lang ang ginawang shame campaign ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa tax evaders. Nagpalathala ang BIR ng advertisement sa mga pahayagan na mas malaki pa ang kinikita ng mga guro kaysa mga doctor, abogado at accountant. Ang pinagbasehan nito ay ang tax returns ng isang guro na nagbayad ng P35, 952 buwis mula sa kanyang kinikitang P21,500 na buwanang suweldo. Ayon sa ad, ang mga self-employed doctor, abogado at accountant sa Makati umano ay nagbayad lamang ng P35,000 taxes. Ayon pa rin sa ad, isang lawyer sa Makati ang nagbayad lamang umano ng P200 sa kanyang taxes. Ang isa pang lawyer ay nagbayad lamang ng P475.

Saan nga kaya kumukuha ng kapal ang mga propesyunal na ito at kakarampot ang ibinabalik na buwis sa gobyerno. Tinalo pa ng isang public school teacher na hindi nandadaya sa buwis. Maraming guro ang kulang na kulang ang suweldo pero hindi kailanman nandaya sa buwis. Bukod sa mga guro, marami pang karaniwang kawani ng pamahalaan ang nagbabayad ng tamang buwis sa kabila na kakarampot ang kanilang suweldo. Kung sino ang karampot ang kinikita, sila ang hindi nakalilimot sa pagbabayad ng kanilang taunang buwis.

Ipagpatuloy pa ng BIR ang kanilang shame campaign sa tax evaders. Mas maganda pa kung ilalathala nila ang mga pangalan ng mga doctor, abogado, accountants, at iba pang professional na nandadaya sa buwis. Kung hindi magkakaroon ng panghihiya, hindi sila matitinag sapagkat sobrang kapal ng kanilang mukha. Saan nga kaya sila kumukuha ng kapal ng mukha?

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUWIS

KAPAL

MAKATI

PRESIDENT AQUINO

SAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with