BITAG unofficial case study (Visayas, Mindanao documentation)

MARAMING kababayan natin sa Luzon, Visayas at Mindanao ang mga may malubhang sakit na diabetes. Sila ‘yung mga pinayuhan na ng doktor na sumailalim sa amputation procedure o pagpuputol ng bahagi ng kanilang binti o paa bunsod ng lumalalang sugat at impeksyon.

Pero dahil sa kakapusan at desperasyon, sumusubok at naghahanap ng alternatibong solusyon kontra “putol” na sinasabi ng mga dalubhasa.

Sa industriya ng media, BITAG lang ang ekslusibong nagdodokumento ng ganitong “unofficial case study.” Tatlong taon na itong ginagawa ng BITAG partikular sa Luzon bilang bahagi ng aming public service.

Para sa mas malawak pang serbisyo-publiko, maglilibot ang aming grupo sa Metro Cebu sa Visayas at Metro Davao sa Mindanao  para magdokumento ng mga severe diabetic patient sa lugar. Ang 90-day case study na ito ng BITAG ay hindi itinuturing na medical trial.

Nililinaw ng BITAG, hindi ito pag-eendorso o pagtutulak ng anumang produkto. Hindi ito isang uring infomercial. Bagkus, pagdodokumento lamang sa mga pasyenteng opisyal na lumahok sa case study na nagdulot ng positibong resulta. Isusumite ng BITAG ang mga case study sa mga dalubhasa sa larangan ng medisina upang mapag-aralan at masuri nila ang nasabing BITAG investigation.

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Show comments