AYON sa isang pagsusuri, kapag nagkakaedad ang isang tao, humihina nang bahagya ang pag-iisip. Ngunit, may ibang tao naman na lalo pang tumatalino kapag nagkakaedad. Ano ba ang sikreto nila para tumalino?
1. Maglakad ng 45 minutos. Kapag tayo’y nag-eehersisyo, mas gumaganda ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan, kabilang na ang daloy ng dugo sa ating utak. Sa mga estudyante, kapag hindi mo alam ang sagot sa test, igalaw-galaw ang iyong mga paa at baka maalala mo na ang tamang sagot.
2. Paganahin ang utak. Gamitin lagi ang ating pag-iisip. Magsagot ng crossword at puzzles. Mag-enroll sa eskwelahan. Makipaglaban ng chess. Huwag magretiro at ituloy lang ang iyong mga proyekto.
3. Kumain ng pagkaing pampatalino. Ang mga subok na brain foods ay mani, matatabang isda (tulad ng tuna, tilapia, salmon, sardinas at tamban), abocado, olive oil, cocoa spaghetti sauce at tomato sauce.
4. Puwedeng uminom ng Omega 3 Fish Oil supplements. Napatunayan na makatutulong ito sa pagganda ng daloy ng dugo sa ating puso at utak.
5. Itanong sa doktor kung puwede kang mag-Aspirin. Kung ika’y may diabetes, sakit sa puso, o istrok, baka makatulong sa iyo ang aspirin 80 mg tableta bawat araw. Kumunsulta sa doktor.
6. Magkaroon ng kaibigang mas bata at mas matanda sa iyo. Huwag puro kaedad mo lang ang kausap mo. Marami kang matututunan sa mga nakatatanda sa iyo. At sa pag-uusap sa mga bata, mahahawa ka sa sigla nila.
7. Labanan ang stress. Masama ang stress sa katawan at utak. Nakatatanda ang stress kapag hindi agad ma-bigyan ng solusyon ang iyong problema. Ayusin ang mga problema sa buhay. Tawanan at dalhin ng magaan ang iyong mga ginagawa.
8. Mangarap nang ma-ngarap. Maniwala kang magÂkakatotoo ang iyong mga pangarap. Daanin mo sa sipag at dasal at baka maÂkamtan mo na ang iyong inaÂasam. Tingnan mo na lang si Charice Pempengco. WaÂÂ lang imposible sa buhay natin!
9. Alagaan ang iyong ulo. Iwasang mahulog o maÂtumÂba. Magsuot ng helmet at maglagay ng seatbelt para iwas sa aksidente. HuÂwag ha yaang masuntok o maÂunÂtog ang iyong ulo. Baka mamatay at mabawasan ang mga selula natin sa utak.
10. Kumunsulta sa dokÂÂtor at magpa-check up bawat taon. Kapag malusog ang iyong katawan, siÂguradong masigla rin ang lagay ng iyong utak. Good luck.