TUWING umiinit ang usapin sa pagbabalik ng mga US bases sa bansa o kahit yung may kinalaman sa Visiting Forces Agreement (VFA), nag-aalsa ang mga makakaliÂwang militante. Pero ni minsan, hindi natin kinaringgan ng protesta ang mga militanteng grupong ito kaugnay ng ginagawang militarisasyon ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas. Ito rin ang obserbasyon ng isa kong kaibigan.
Sabi naman ng barbero kong si Mang Gustin “Sino pa nga ba ang kakampihan ng mga komunista kundi ang kapwa komunista.â€
Matinding tinututulan ng mga makakaliwa ang VFA na nagbibigay ng access sa Amerika sa paggamit ng ating mga military facilities. Itinatadhana rin nito ang pagdaraos ng joint military exercise ng Pilipinas at US taun-taon.
Upang mabura ang impresyon na masyado tayong kumikiling sa Amerika, inihayag ni Presidente Noynoy na ang mga base militar sa bansa ay malaya ring magagamit ng mga bansang kaalyado natin. At tulad ng nasabi ko sa kolum na ito kahapon, nagbanta ng “counter-strike†ang China kapag ginawa natin ito. Sa kabila ng mga pananakot na ito ng China, mukhang tengang-kawali ang mga militanteng ito. Ngunit kapag may gagawing pagbisita ang alin mang barkong militar ng Amerika sa Pilipinas, agad silang nag-aalboruto. Ang tanong ay bakit?
Panahon pa ni Presidente Cory Aquino ay sinisikap na ng gobyerno na magkaroon ng kasunduan ang pamahalaan sa mga rebeldeng komunista. Makalipas ang halos tatlong dekada ay naririyan pa rin ang karahasan ng New People’s Army. Tinatambangan ang mga alagad ng batas at kagawad ng military o maging mga inosenteng sibilyan na makursunadahan lalu na yung hindi nagbibigay ng “tong†sa kanila. Yung bang “revolutionary taxâ€.
Sa panahon ni Presidente Fidel Ramos ay nagpatibay ng batas ang pamahalaan na kumikilala sa Communist Party bilang partido politikal para maÂkasali sa mga eleksyon. Wala ring epekto.
Sa prinsipyong Marxist, hindi puwede ang makiÂÂpag-kompromiso. Ang punÂtirya ng komunismo ay wa sakin ang umiiral na sistema sapagkat walang ibang tamang sistema matangi sa komunismo.
Kaya ipinagtataka ko kung bakit pinipilit nating maÂÂkipag-peace talks sa orÂgaÂÂniÂsasÂyong ang panguÂnang layunin ay wasakin ang deÂmokrasya para sila ang maÂkapaghari. Okay sana kung may nakikitÂa tayong mabu-ting ibinubunga ng peace talks na pinagÂkakaÂgastahan ng malaking halaga mula sa taxpayers’ money. Kaso wala eh.