Sino kaya ang mas malakas?
AYON sa Overseas Development Institute (ODI), isang grupo na naka-base sa London, ang paglilipat sa informal settlers mula sa kanilang kasalukuyang kinalalagyan ay peligroso para sa mga pulitiko. Kasama sa pagsusuri ng ODI ay ang De La Salle University Development Research Center at University of the Philippines School of Urban and Regional Planning. Pinag-aaralan nila ang paghanda ng isang siyudad sa mga natural na kalamidad tulad ng pagbaha. Pero nahihirapan silang maglabas ng magandang plano dahil sa problema ng mga informal settlers na ayaw umalis sa kanilang kinalalagyan. Sa totoo lang, ang informal settlers na nakatira sa tabi ng mga estero at kanal ang dumadagdag sa problema ng pagbaha. Ang informal settlers ay protektado ng mga pulitiko, dahil sa kanilang mga boto kung eleksyon. Kung mawawala sila, hindi na maiboboto ang mga pulitiko at lokal na pinuno na ilang dekada nang hawak ang kanilang siyudad at distrito.
Mismong si DPWH Sec. Rogelio Singson ang nagsabi na may mga pulitikong nakiusap sa kanya na huwag na munang ilipat ang informal settlers bago mag-eleksyon. Hindi ba’t patu- nay kung ano ang halaga nila sa mga pulitiko? Ayaw paÂngalanan ni Singson ang mga nakiusap sa kanya, pero sa tingin ko, may karapatan ang mamamayang malaman kung sino ang gumaga-mit sa informal settlers. Hindi na baleng mapuno ng basura ang estero at kanal, basta’t may ilang libo silang siguradong boto.
Hindi kailangan ng grupo na galing pa sa London para sabihin na delikado ang mga pulitiko kung mawawala ang kanilang informal settlers. Alam ng lahat iyan. Pati mga opisyal ay alam pero wala silang magawa, tulad ni Singson. Hindi nga niya tinanggal ang informal settlers. Wala nga siyang natanggal bago mag-eleksyon. Kaya alam na natin kung sino ang mas malakas ang dating. At may nagsasalita diyang mataas na opisyal na mahirap at hindi basta-basta mailikas ang informal setllers. Ang alam ko nag-utos na si President Aquino na alisin na ang mga nakatira sa estero, bilang paghahanda sa malalakas na ulan at bagyo. Sino kaya ngayon ang mas malakas, ang Presidente o ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan? Sino ang dapat masunod? Sino ba ang tama ang ginagawa? Mali bang ilikas ang informal settlers dahil hadlang sila sa pagdaloy ng tubig tuwing umuulan, o mas tama ang may boto ang mga pulitiko tuwing eleksyon?
- Latest