Huwad na kaunlaran: Wala pa ring trabaho
TAKTIKA ni Goebbels, propagandista ni Hitler, na ulit-ulitin ang kabulaanan hanggang tanggapin ito ng madla bilang katotohanan. Paulit-ulit ibinabandera ng spokesmen ng gobyerno na umuunlad ang ekonomiya: 6.6% nu’ng 2012, at 7.8% nitong 1st quarter-2013. Kesyo raw dumadagsa ang foreign investors sa Pilipinas sa ilalim ng Noynoy Aquino administration. Minamaliit nila ang mga ekonomista na nagbababala na lumalala ang kawalan ng trabaho, 7.5% o 3.5 milyong tao, at kakarampot na trabaho, 20% o walong milyong tao -- pinaka-malala nitong nakaraang tatlong taon.
O hayan, tama nga ang mga ekonomista. “Hot mo-ney†lang ang bilyun-bilyong dolyares na pansamantalang ipinarada ng foreign fund managers sa Pilipinas dahil matumal sa mga bansa nila sa America at Europe. Hindi ‘yun puhunan sa mga industriya o sa agribusiness, kaya walang bagong trabahong nalikha. Nag-aalisan na nga ang fund managers nitong nakaraang mga araw, dahil sa mga reporma sa pananalapi sa US. Bumagsak tuloy ang halaga ng piso. Asahang tataas ang presyo ng mga produktong inaangkat, lalo na langis.
Ano ang epekto ng jobless growth? Aba’y 600,000 bagong college graduates nu’ng Marso ang nadagdag sa work force pero walang work. At gan’un karami rin ang mangingisda at magsasakang nawalan ng trabaho dahil sa bagyo, baha, at tagtuyot. Hindi tuloy humuhupa ang karalitaan nitong nakaraang anim na taon. Nasa 28% pa rin -- tatlo sa bawat 10 Pilipino -- ang nagugutom.
Ano ang solusyon para magkatrabaho? Obvious: Gumasta dapat ang gobyerno sa flood control, pagtayo ng evacuation shelters, at paglipat ng mga komunidad na bahain o guhuin, para ma-empleyo ang daan-daang libo. Hikayatin din ang mga negosyante na gumawa ng mga kagamitang pangsaka at pangingisda— mula maliliit na hand tractors at motors hanggang mga higanteng pambayo at sasakyang pandagat.
- Latest