5-cock derby para sa mga Kasabong ni Ka Biyong

INIIMBITAHAN ni Atty. Silverio ‘Ka Biyong’ Garing, promotor este mali promoter pala,  ang lahat ng kasabong na lumahok at makisabong sa 5-cock derby, sa Sabado  ganap na alas - 3pm sa Tagaytay Excellence Tourist Arena, Tagaytay City.

 May P400,000 ang pa premyo o mas mataas pa with matching trophy sa mananalo.

Sabi nga, see you there, mga kasabong !

Kahihiyan ng DOT dahil sa BI - BBS

SAMPAL sa Department of Tourism ang kagaguhan ginawa ng bugok sa Bureau of Immigration Boarding Bay Service dahil US$250.00 per foreign passeger na sinisingil para sa ‘laundy fees.’

Masiadong tinatago ang isyung ito pero matagal na palang nangyayari kaya lang ang problema dito ay iilang ‘choosen few’ ang nagkamal ng malaking halaga ng salapi sa kagaguhan pamamaraan. Tama ba, Teody Pascual, Gilbert Gervacio at Bal Rosita ? Ano kaya ang masasabi ninyo sa mga bugok ? Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may bugok na BI-BBS pang umaaktong ‘financer’ para paluwalan ang salapi para sa kanyang ‘godfather’at iba kamote kapag hindi pa diumano nakakasingil ang shipping agency sa shipping owner ? Ano kaya ang masasabi dito ni Bal, Teody at Gilbert ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

May connivance kaya dito ? iyang ang kalikutin !

Kung totoong nangyari ang reklamo ng Royal Carribean Cruise Line sa DOT siguro dapat ng magbitiw sa puesto si BI Commissioner Ric David jr., dahil sa ‘command responsibilities.’

Kahihiyan ni P. Noy at ng madlang people sa Philippines my Philippines ang nakasalalay sa kagaguhan ginawa ng mga bugok dyan sa BI - BBS ? Tama ba, Teody Pascual, Bal Rosita at Gilbert Gervacio kailangan na sigurong  parusahan ang mga gago diyan sa nasabing division bago mahuli ang lahat ? Ano sa palagay ninyong three stogies este mali tatlo pala ?

‘habang ginagawa lahat ng paraan nina P.Noy at DOT na pagandahin ang imahe ng Philippines my Phlippijnes, ito may sumingaw na naman kagaguhan sa bi-BBS “ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘siguro dapat magkaroon ng lifestyle check sa BI ?

‘tiyak may ‘paper tail este mali trail pala dito kung sino ang kumuha at pumirma sa billing ng RCCL.’

‘paano ang ibang cruise ships ?’

‘bahala ang DOJ o kung sino man ahensiya na itinalaga ni P. Noy o DOJ Secretary Leila de Lima ang bubusisi.’

Abangan.

Praise release ng BI

MAY bagong naisip na pautot ang Bureau of Immigration para sa mga Immigration officer na nakabase sa  Ninoy Aquino International Airport at sa ibang pang mga International Airport terminals sa Philippines my Philipines dahil binago ask in iniba na ang kanilang ginagamit  na departure at arrival stamp para sa mga dumarating at umaalis na pasahero going aboard este mali abroad pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang layunin kung iisipin ito kaya lang ang problema ay sayang ang gastos dito dahil kahit na anong gawin pagpapalit ng ‘stamp’ na gagamitin ang immigration officers sa mga international airport basta nananatili pa rin ang mga bugok at kasabwat ng mga sindikato ng human trafficking ay wala rin mangyayari.  Tama ba, Atty. Antonette Mangrobang, ang ‘super lady’ ng BI, ano kaya ang masasabi ng intelligence group mo dito ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang importante para mawala na ang sabwatan sa pagitan ng mga bugok sa BI at mga sindikato na nag-o-operate dito ay ayusin ang bidding para sa Automated Fingerprinting Identification Servide o AFIS para wala ng palusot dahil pagpasok sa makina ng AFIS ay bukayo ang kamoteng gagawa ng milagro at madali pang ma-monitor ang mga teroristang papasok sa Philippines my Philippines.

Ang importante lamang ay huwag ‘LUTUIN’ ang bidding at sana ang subasta ay gawing makatotohanan hindi iyong may - taker na at ang makinang isu-suplay ay dapat galing sa may reputasyon na kumpanya para matapos na ang problema ng mga palusot at magamot na ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itama lamang ang subastahan at huwag gawin pera ng mga bugok ang bidding sa BI tiyak gaganda at maaayos ang mga problema takasan at palusutan blues. Tama ba,

Jimmy ‘baklita’ at Lawrence ‘baboy’ ?

Show comments