NAPAKALAKING challenge ang pagpapabalik ng dating sigla, progreso, ganda at kinang ng Maynila o Manila Urban Renewal Campaign ni Mayor Erap Estrada.
Matindi kasi ang naging mga problema sa lungsod, tulad ng pagkabaon ng lokal na pamahalaan sa maÂlaking utang, paglala ng krimen, paglobo ng bilang ng mga walang trabaho at walang bahay, demoralisasyon sa hanay ng mga pampublikong kawani partikular ang mga titser at mga pulis dahil sa madalas na delayed na pagbibigay ng kanilang suweldo, allowance at iba pang benepisyo, at marami pang iba.
Hindi madali ang solusyon sa mga problemang ito. Pero buo ang kumpiyansa ng iba’t ibang sektor at mismong mga Manilenyo na maisusulong ni Mayor Erap ang matagal na nilang pinapangarap na pag-unlad ng kanilang buhay.
Konkreto ang mga binalangkas na aksyon ni Mayor Erap: Paghikayat sa mga investor kasabay ng pagsuporta sa maliliit na nagnenegosyo tulad ng mga vendor, malawakang patrabaho, rehabilitasyon at pangangalaga ng mga lugar-pasyalan tulad ng tourist sports at green spaces/parks, pangangasiwa ng basura at paglilinis ng buong kapaligiran.
Marami nang nabubuong ideya tungkol sa pagpapatupad ng mga ito, tulad ng mga sumusunod: 1.) Para pumasok ang mga negosyante: Mag-install ng mga CCTV cameras sa mga susing lugar ng lungsod, palakasin ang police visibility, palakasin ang partisipasyon at volunÂteerism ng mamamayan sa peace and order campaign, at sugpuin ang tong at korapsyon; 2) Para lumawak ang trabaho: I-hire ang mga mamamayan sa malawakang mga public projects tulad ng waste management at paglilinis ng kapaligiran, rehabilitasyon at pag-maintain ng mga tourist spots, at pangangalaga ng mga puno at green spaces/parks; 3) Para sa pabahay: Gumamit ng “green technoÂlogy†o mga pamamaraan at materÂyales na matipid at maka-kalikasan, at puwede ring tumulong mismo ang mga benepisyaryo sa konsÂtruksyon ng kanilang magiging bahay.
Sa ganitong ka-deÂtalyado at kalinaw na mga plano ni Mayor Erap, ang iba’t ibang sektor at mga mamamayan mismo ng Maynila ay makatutulong at makalalahok sa mga aktibidad hinggil sa Manila Urban Renewal Campaign laluna’t sila ang pangunahing makikinabang sa mga ito.