IPINAGDIRIWANG natin ngayon ang iniwang pagkain at inumin ni Hesus na biyaya at kalusugan ng ating buhay-kabanalan. Maging si Melkisedek, ang hari at pari sa kapanahunan ni Abraham ay patuloy na nagpadala ng tinapay at alak sa pinagpala niyang kaharian.
Ayon sa Salmo: “Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melkisedek†Ipinahayag sa atin na ang isang pagkain ay biyaya ng buhay. Ingatan natin ang bawa’t butil ng ating pagkain sapagkat ito ang biyaya ng Maykapal. Huwag nating sayangin ang ating ikinabubuhay.
Maging si Pablo ay lubusang nagpahalaga sa iniwan ni Hesus: “Mula sa Panginoon ang tinanggap ko at ibinigay din sa inyoâ€. Kumuha si Hesus ng tinapay at nagpasalaÂmat, pinira-piraso at sinabi: “Ito ang aking katawan na ipinauubaya dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin. Gayundin naman para sa kalis, matapos maghapunan. Sinabi Niya: “Ang kalis na ito ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito, tuwing kayo’y iinom, sa pag-alaala sa akinâ€.
Nagreklamo ang mga alagad na paalisin na ni Hesus ang mga tao, magpahinga at humanap ng pagkain. Sila ay nasa ilang na lugar. Ang sagot ni Hesus: “Kayo ang magbigay sa kanila ng pagkain. Paupuin ninyo sila na tig-lilimampuâ€. Ang kaukulang bilang sa mga kalalakihan ay limang libo. Sa kaugalian noon at pawang lalaki lamang ang binibilang. Kung limang libo kasama asawa at anak ay mahigit na sampung libo. Tumingala si Hesus sa langit at binasbasan ang tinapay at isda, pinagpira-piraso, ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa lahat. Matapos ang kainan ay mayroon pang natirang 12 basket.
Kailanman ay hindi tayo gugutumin ng Panginoon. Tularan natin si Hesus na tumingala muna sa langit at nagpasalamat. Sa ating pagsunod sa Diyos at paggawa ng kabutihan ay kailanman ay hindi Niya tayo pababayaan!
Genesis 14:18-20; Salmo 110; 1 Corinthian 11:23-26 at Lukas 9:11-17
* * *
Binabati ko si Very Rev. Fr. Anton Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Cari-tas Manila na magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas (Hunyo 3).