GRABE as in matindi ang seguridad na ipinatutupad ngayon sa mga international terminal ng Ninoy Aquino International Airport at maging sa iba pang international airport sa Philippines my Philippines hindi dahil sa banta ng terorista kundi dahil ito sa nakakamatay na sakit ang Middle East Respiratory Sydrome Corona Virus ngayon kaya naman todo higpit ang moneytoring este mali monitoring pala hindi lang ng mga medical staff sa mga paliparan kundi maging ang DOH ay nakatutok din.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sakit na kinatatakutan ay ang MERS Corona virus pupuedeng dala ito ng mga passenger from Middle East.
Kaya naman ang termal scanner sa mga international terminal sa NAIA ay ginagamit ng mga medical staff dito ng halos 24/7 para matiktikan at makaiwas sa maaring dalang sakit ng isang passenger.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ng ORA MISMO, puedeng may sipon, ubo, LBM, hirap huminga at pneumonia ang isang pasahero na may taglay nito kung galing siya sa Middle East at kung positive naman ang biktima ay mabilis itong mapupunasan este mali mabibigyan ng lunas pala.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puedeng mahawaan ang isang nilalang ng Diyos sa pamaÂmagitan ng pagbahin o maubuhan siya ng may MERS Corona Virus o puede ring direct contact walang condom este mali makamayan pala ng may sakit. Hehehe !
Para hindi mag=alala ang madlang pinoy sa sakit na MERS Corona virus oras na makaramdam ng mga sintomas na sinasabi natin sa itaas huwag ng mag-atubiling na agad pumunta sa doktor para magpa-consult.
Sabi nga, takbo na sa doktor, doktor I’m sick ?
Isa pa sa mga importante at dapat tandaan ng madlang pinoy o ilagay sa kanilang pag-iisip na panatilihin pirmi silang malinis.
Sabi nga, always wash your hands para sure na malinis ito at huwag hawak ng hawak ng mukha para hindi kayo tigyawatin este mali kumalat pala ang virus oras na mahawa kayo.
Sa kasalukuyan kalmado ang World Health Organization tungkol sa MERS Corona virus dahil up to now ay alaws pa silang sinasabing may travel restriction na.
Wala pa naman ipinalalabas na travel restriction o quarantine sa naturang sakit ang World Health Organization.
Kambiyo issue, LAGLAG sa kuko ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority Airport Police Department sa pakikipag-tulungan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang isang Julian del Rosario, 47, owner ng Jugrapharts photo shop sa Sun Valley, Pasay City, dahil sa pamemeke ng ‘access passes’ para makapasok ang isang alindahaw sa loob ng airport terminals.
Ibinida ni MIAA Assistant General Manager for Security and Emergency Services chief Salvador Penaflor, na may impormasyon sila last May 17, 2013, na may sinasabing kamoteng gumagawa from outside at nagbebenta ng ‘access monthly pass’ sa halagang P100.00 each.
Hindi biro ang paggawa ng pekeng access pass para gamitin ng kung sino lamang upang makapasok sa NAIA dahil security risk ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung mga terorista na may maitim na balak sa gobierno ang makakuha nito at maghasik ng lagim sa loob ng airport ?
‘paano ngayon ?’ tanong ng kuwagong tanga.
‘buti na lamang at maagang nahuli ang suspect at walang kamalay-malay ang mga terorista na may mga pekeng access pass na ibinebenta ito ng tig-P100 lamang’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.